"Should we park the car here?"
Itinuro ni Dash ang parking area na ginagamit ng mga estudyante sa university.
Nasa passenger seat siya at dalawa naman kami ni Kisher sa likod."Yeah, obviously."
Iniliko niya ito papunta sa parking area at maayos na ipinark ang kotse. Agad naman kaming lumabas ng makita ang paglabas ng ilang estudyante sa loob ng classrooms.
"Hayy. Parang namimiss ko tuloy mag-aral ulit."
Napatingin naman ako kay Kisher ng akbayan siya ni Dash.
"Edi bumalik ka ulit sa pag-aaral. Nako, simpleng bagay--"
Siniko naman siya ni Kisher kaya natawa ako sa kanila.
"Joke lang."
Napakamot tuloy si Dash sa ulo niya. Iyan kasi. Nakukuha ng mga pilosopo.
"Hindi ka pa rin nagbabago, Dash."
Bumelat naman siya sa akin at nang-aasar na nagsalita.
"Ewan ko sa'yo. Hopeless romantic."
Sinamaan ko naman siya ng tingin. E sa ayaw kong magka-love life. Tss. Epal. May mga nanliligaw naman pero lagi kong tinu-turn down. Hindi ko type.
"Sus. Nandiyan naman si Ereel. Torpe nga lang."
Agad naman siyang sinamaan ng tingin ng isa na kalalabas lang sa kotse at may inayos yata. Hindi ko naman pinansin ang pinagsasasabi niya.
Porke't may girlfriend, uso mamintas?
"Shut up, Dash. Relationships are trouble-prone."
Umakto naman si Dash na parang nasasaktan. Humawak pa sa bandang puso.
"Ouch. Sweety, binu-bully ako ni Ereel. Sapakin mo nga."
Inirapan naman siya ni Kisher ng bumulong ito sa kaniya. Bumulong pero sadiyang pinarinig. Tss. Baliw.
"Ewan ko sa inyo. At ewan ko rin sa paniniwala mo, Ereel. Maghanap ka kasi ng sa'yo."
Oooppss.
Tamado ang huli.
Hindi na nagsalita.
Naglakad na lang siya papunta sa hallway. Tinawanan naman namin ang pikon. Naka-suit pa ito habang naglalakad na parang ambassador.
Napapatingin rin ang ilang estudyante sa hallway. At may ibang nagbubulungan. Nang makadaan kami sa isang classroom ay may tumawag sa akin doon.
"Ate!"
Napatigil ako sa paglalakad at ganoon din sa aking mga kasama. Napalingon pa ang nakakunot-noong si Ereel. Lahat kami ay napalingon sa classroom kung saan nanggaling ang boses.
Namalayan ko na lang ng dinamba ako ng yakap ng kapatid ko.
Muntik pa akong matumba. Buti na lang at nasa likuran ko si Ereel at nasuportahan agad ako bago pa ako mapa-upo sa sahig.
"Ano ka ba naman Tyra! Ang bigat mo kaya!"
Kumalas naman siya sa pagkakayakap at nag-pout pa sa harapan ko.
"You're not coming home everyday, you rather come twice a month. And you expect me to not overreact? Come on sister, I missed you."
Natawa naman si Kisher sa inglisera kong kapatid at napataas naman ang kilay ni Ereel.
"Istrikto kasi yung BOSS ko kaya hindi ako makauwi-uwi dahil malayo pa ang bahay mula sa trabaho. Hayaan mo at papakiusapan ko ang BOSS ko."
Pagdidiin ko habang nakatingin kay Ereel. Umiwas naman ng tingin ang huli at mas lalong natawa't napahalakhak ang dalawang magjowa.
YOU ARE READING
REMEMBER ME
Science Fiction(COMPLETED, UNEDITED) It all started with the Project Breinox. All countries were alerted of the spreading BV-18, also known as the brain virus. The government wanted to take an action immediately to prevent this from affecting people so they had co...