Tatlong araw na ang nakalipas pagkatapos namin sa unang eksperimento. Hanggang ngayon ay nanatili pa rin sa aking isipan kung paano namin ito magagawa ng tuluyan.
Professor Clart, Dr. Ivory and Dr. Sebastian haven't returned yet. Hindi ko rin alam kung ano ang ginagawa o pinapagawa sa kanila ng gobiyerno ngayon.
Actually, we are all clueless about their quest except for the two scientists. They are very careful that they won't even mention a thing about them and they easily push off the conversation to change our topic.
Alam kong napapansin iyon nina Gastin at Ereel, though I'm not sure with the other two who don't seem to be bothered by their missing presence.
"Hoy Kish! Alam mo bang nakakasawa ng makita 'yang mukha mo?"
Hindi pa rin nagbago si Dash sa kaniyang pang-aasar kay Kisher. Hindi ko malaman kung ano ang trip nila at minsan ay nagkakasundo o minsan ay nag-aaway sila.
Sinamaan siya ng tingin ni Kisher na nandoon sa kabilang dulo ng table. Nandito kami sa library. Ulit. Hawak ang mga bagong nagkakapalang aklat. Encyclopedia lang ang peg sa kasing-kapal.
Mabuti na lang at napa-ayos na ang mga ilaw rito. Gumagana rin ang isang aircon para hindi naman kami pagpawisan.
"Pumikit ka kung ayaw mo! Titig ka kasi ng titig! Umamin ka nga, crush mo ako no?"
Pang-aasar ni Kisher sa kaniya na may nakakalokong tingin. Parang hindi naman maipinta ang namumulang mukha ni Dash sa sinabi ni Kisher. Akmang tatayo na sa upuan si Dash nang hawakan siya sa balikat ni Gastin at pinaupo ito.
I'm surprised that Gastin managed to stop him before he could do another thing. Nagsusulat kase siya ng mga kailangang parts para sa isang gagawin niyang technology na makakatulong sa project.
"Ang kapal mo naman! Tsaka anong titig ng t-titig? N-nakakasakit kasi sa mata 'yang ka-panget-an mo. Grabe! Laging nangingibabaw!"
Utal-utal pang sabi ni Dash at saka inis na nagbalik sa pagbabasa ng libro. Halos isulat na nga niya yata lahat ng nababasa niya sa hawak niyang notebook. Natatalo na siya sa asaran ha! Suking-suki na siya sa pang-aasar ni Kisher.
Napapa-iling na lang ako sa dalawa.
"Tss. Gandang-ganda ka lang eh. Indenial ka pa." Narinig ko pang sagot ni Kisher habang abala sa kaniyang ginagawa niyang paghighlight sa aklat.
Ipinagpatuloy ko naman ang paghahanap sa table of contents at glossary ng aklat. Ikatatlong aklat na itong hawak ko ngayon. Nakakatamad at nakakatulog sa totoo lang pero mas ayaw ko namang mapektusan sa kasama naming walang emosyon. Daig pa si Professor Clart kung makaseryoso.
Asan siya? Kaharap ni Kisher na nasa isang dulo rin. He's very focused on what he's doing. I wonder if he ever played during his childhood days because if ever he did I can't really imagine it. I don't even know if he's blinking or not. His eyes were glued to the book.
Narinig naman ni Dash ang bulong ni Kisher at desidido na talagang harapin siya pero mabilis ko siyang inawat. Dahil sa ginagawa nila ay nadidistract ako e.
"Tama na, Dash." Napalaki naman ang tingin sa akin ni Dash na akala mo'y nakarinig na naman ng himala. Napabuntong-hininga naman ako ng akmang ipipilit niya pa ring magsalita.
I can't believe I'm gonna be uttering these words kahit na kanina ko pa pinipigilang lumabas ito sa bibig ko.
"Huwag ka nang pumatol sa babae. Bakla ka ba?"
And there. Just like a bomb dropped right into their faces. Yes. THEIR faces. Dash, Kisher and Gastin. Sabay-sabay silang napanganga na para bang hindi makapaniwala sa pambabara ko kay Dash.
YOU ARE READING
REMEMBER ME
Science Fiction(COMPLETED, UNEDITED) It all started with the Project Breinox. All countries were alerted of the spreading BV-18, also known as the brain virus. The government wanted to take an action immediately to prevent this from affecting people so they had co...