REMEMBER: Chapter 10

55 3 0
                                    

The discussion yesterday went well. Kahit may ilang mga argumento, mabilis naman itong nasettle.

We were able to come up with ideas that could be a help in creating the medicine. Sa ngayon ay kaniya-kaniya kaming tungo sa Library.

Oo, may library rin pala sa building na ito.

Nakakalito naman kasi ang structure ng building, paniguradong magaling ang interior designer nito. Nagawa niyang ipagkasya ang lahat ng bagay upang hindi na kakailanganing lumayo pa para sa paghahanap ng mga kailangan.

Ereel and Gastin went first. They don't like wasting their time. Masyado yata silang nagaganahan sa pagsisimula namin kaya't nauuna na sila. Note the sarcasm.

Ang kasama ko naman ngayon ay sina Kisher at Dash.

I don't mind tagging along with them as long as they're quiet. Mabilis kasing mawala ang isang idea sa utak ko kapag maingay ang kapaligiran at hindi ako makapagfocus. I doubt that would happen though.

Kisher wore a bag. Nandoon lahat ng mga gamit naming dalawa. She insisted to bring notepads and pens. Para daw hindi kami mahirapan sa pagmememorize ng mga kakailanganin namin at mas mabuti na lang na isulat sa notepad.

She even brought flashlight. Puwede namang gamitin ang phone pero mas mabuti na nga rin para masave ang battery namin. Hindi ko nga alam kung para saan iyon ngunit hindi ko na kinuwestiyon.

Pati si Dash ay may dala ring bag na hindi ko rin alam kung anong laman. Ako lang ang walang dalang kahit na ano dahil naki-bag na lang ako ng mga gamit ko kay Kisher.

I don't really like carrying things around. I always feel tired because of the straps of the bag on my shoulder or arms. Hindi naman na parang nabibigatan ako, sadyang hindi ko lang gusto.

Binuksan namin ang pinto ng library room at bumungad ang tables na puwedeng upuan. Kaliwa't kanan ang bookshelves ng mga libro at bawat section ay may label.

Hindi naman namin nakita ang kahit anino nina Gastin at Ereel sa study area. Baka naghahanap pa sila ng mga aklat.

"Maybe we should split up and look for the books." Sabi ko.

Hindi masyadong maliwanag ang library dahil sa mga kurtina at hindi rin gumagana ang ilan sa mga ilaw. It's creating a creepy feeling.

Napakapit naman si Dash kay Kisher at napakapit si Kisher sa akin. Napatingin ako sa kanilang dalawa.

"Ayoko! Ang creepy pa naman dito! Baka maging Eerie ang setting o bigla na lang may sumalubong na multo sa harapan ko!" Reklamo ni Dash.

Tinatanggal ni Kisher ang hawak ni Dash sa kaniya pero sobrang higpit ang kapit niya. Hayss. Lalaki ba talaga 'to?

"We don't want to waste time if we stick together. Baka malapit ng matapos ang dalawang nauna rito kanina."

Umiling naman si Kisher na tila pinapatatag ang loob kahit mukhang natatakot na rin.

"Okay, ganito na lang. Magsama kayong dalawa sa paghahanap ng dalawang aklat na kailangan at hahanapin ko rin ang dalawa pa." Sabi ko sabay kuha kay Kisher ng isang notepad at pen. Iniready ko naman ang flashlight ng phone ko.

"But--" ayaw pa sana ni Kisher na magkakahiwalay kami pero inunahan ko na siya sa sasabihin niya.

"We don't have much time." Sabi ko sa kaniya kaya napilitan na silang maglakad sa kabilang bookshelves. Hindi naman ako basta-basta natatakot. Hindi rin ako naniniwalang may multo. Ngunit magugulatin ako.

Maybe, you're wondering why we ended up being here.

We were told to gather the needed formulas as being ordered by Dr. Ivory. Hindi ko alam kung nasaan sila ngayon dahil kailangan daw nilang lumabas sa university para makuha ang ibang tools na gagamitin namin.

REMEMBER MEWhere stories live. Discover now