REMEMBER: Chapter 28

15 1 0
                                    

"What's that?"

Agad kong tanong kay Ereel nang makita siyang may hawak ang phone na may pinapanood.

"Shh."

Napataas naman ang kilay ko ng suwayin niya ako sa pagsasalita na animo'y nagfofocus sa panonood.

Tatlong araw na ang lumipas at kahapon lang ay nasira ang isang substance para sa pag-improve ng third main formula. Mabuti na lamang at replica lang iyon.

"Ano nga 'yan--?"

"Hidden camera."

Napataas ang kilay ko ng agad niya akong putulin. Kita mo 'to. At para saan naman iyang hidden camera aber?

Magtatanong na sana ako ng unahan na naman niya ako sa pagsasalita. Heh.

"In the laboratory. To monitor if there are substances being destroyed again."

Nanlaki naman ang mga mata ko doon. What? Talagang nag-install pa sila ng hidden camera? Hinayaan ko na lang siyang panoorin muna iyon.

Kami ang susunod na magbabantay kay Gastin. Si Dash kasi ang nandoon ngayon. Si Kisher naman ay tumutulong kay Prof. Clart sa pagbuo ng tuluyan sa ikatlong formula. Lahat sila ay nandoon ngayon at maaaring patapos na rin sa ginagawa.

Ika-19 na trial na ang ginagawa namin.

Alternate rin kami ni Kisher sa pagluluto ng pagkain ni Gastin. Breakfast, lunch and dinner. Request niya rin sa amin kaya hindi na kami nagmatigas. Alternate rin si Dr. Ivory at Dr. Sebastian sa pagcheck kay Gastin.

Habang tumatagal ang araw ay pa-okay naman ang case ni Gastin. Though hindi pa rin naman nawawala ang virus sa kaniya.

We're worried about his case that he might be actually showing no complications but he's near to reach his limit.

Ang tanging palatandaan na nareview namin sa lahat ng files ay ang unti-unting pagkawala ng mga alaala nila pero kapag nagamot naman sila at nawala na ang virus ay babalik rin naman ang mga alaala.

That's according to the cases of persons who survived.

Hindi naman namin alam kung may hints na nagiging makakalimutin na si Gastin dahil hindi rin naman nagsasabi sina Dr. Sebastian at Dr. Ivory tungkol sa ganon.

Every piece of information about Gastin's case was always relied to Prof. Clart. Siya na rin ang bahalang nag-eexplain sa amin ng tungkol doon.

Napansin ko namang tapos na si Ereel sa pagrereview ng footage kaya ginawa ko iyong cue para magtanong na sa kaniya.

"May kakaiba ba doon sa footage?"

Tanong ko habang inaayos ang packed lunch sa isang paperbag. Napatingin naman siya sa akin.

"There's a shadow."

Napakunot naman ang aking noo.

Yun lang?

"And?"

I asked to hear a further explanation to his answer.

"That's it."

Napaawang kaunti ang bibig ko at napatampal din ako sa noo. Really? That's all? O ayaw niya kang iexplain dahil nababagot na naman siya?

"If you're curious, I can just send the footage to you so you can watch it."

Tumango na lang ako at hindi na nagmatigas. Ereel and his lazy tounge. I know there's more to the shadow because he seems bothered by it.

Naglakad na lamang kami palabas. Isinuot ko na ang tap ng matigilan si Ereel. Lumingon ako sa kaniya dahil medyo mas nauna pa akong naglakad.

REMEMBER MEWhere stories live. Discover now