REMEMBER: Chapter 26

14 1 0
                                    

We continued to act as we were. Yung hindi nagpapansinan. We decided to keep things as it is para hindi na naman gumawa ng mas panibagong pinsala si Mika.

It isn't just suspecting anymore. We are pointing her out. Sa paglipas ng ikatlong araw ay nakipag-ayos si Mika kay Dash. Dash acted like he was the one to blame because he didn't let her explain. But the truth is, Dash is already on our side.

This isn't a child's play. Marami siyang niri-risk na tao para lang bigyan ng satisfaction ang first royals.

Naga-alternate kaming magbantay kay Gastin dahil ngayon na namin sisimulan ang third main formula.

Kapag natapos iyon at naperfect na, mabilis na matatanggal ang virus sa katawan nila. Sa ngayon ay si Dash ang nakatokang magbantay kay Gastin.

Pinapabantayan siya sa amin para kapag may complications siya ay mas madaling ireport. At para na rin masiguradong walang gagalaw sa kaniya.

Hindi pa nagigising si Gastin hanggang ngayon. Stable naman ang case niya at chinecheck rin naman nina Dr. Ivory at Dr. Sebastian ang machines na nagproproduce ng lines para maobserve kung may mali sa brain waves niya.

"She isn't backing out."

Napatingin ako kay Kisher na sumulyap sa masayang nagtratrabahong si Mika. She's probably happy because she thought Dash is already okay with her.

"She won't unless she gets what she wants."

Ibinigay ko ang liquid kay Kisher para maibigay na niya kay Sir Artan. I cleaned some of the spilled substance on the counter before going near them.

I ignored the blaring sound of the big machines beside me.

Mabuti na lang at si Dr. Ivory ang kasama ni Mika. Mas panatag ang loob ko sa kaniya dahil alam kong di siya maiisahan ng huli.

May ibinuhos na powder si Sir Artan sa liquid kaya tumaas ito at nagcreate ng foams sa ibabaw. Hinintay naman niya iyon na mawala saka may ikinonektang tube sa tabi nito.

Pinunasan ni Kisher ang counter saka kinuha ang mga tools na ginamit para maibabad sa mainit na tubig.

Lumabas kaming dalawa sa room saka inilagay doon sa metal tray ang mga tools. Nang matapos naming ini-sterilize iyon ay nagtanggal muna kami ng oxygen mask at gloves.

"Hayy. Ilan kayang trials ang gagawin natin?"

Tanong ni Kisher at inunat ang braso. Nagkibit-balikat na lamang ako.

"15-20?"

Tumango-tango na lang siya at umupo. Sinandal ko naman ang likod ko sa isang counter.

"Saan pala sina Ereel?"

Magkakasama kasi ngayon sina Ereel, Prof. Clart at Sir Mark. Si Dr. Sebastian naman ay umalis saglit para icheck si Gastin pero bumalik din naman agad kanina.

"Ewan. Hindi naman siya nagsasabi."

They didn't mention where they're going. Sinabi lang nila na may pupuntahan sila pero hindi sinabi kung saan.

Lumabas si Dr. Ivory at si Mika sa loob ng room kaya nadako doon ang tingin namin ni Kisher. Pinigilan kong umirap kay Mika. Nakakainis kasi talagang makita yung pagmumukha niya eh.

"Tapos na po?"

Tanong ni Kisher kay Dr. Ivory. Bahagya siyang napasulyap kay Mika pero agad na binawi ang tingin na para bang nakakasilaw siyang tignan.

"Sebastian and Mark are gonna handle the rest. For now, wala daw muna tayong gagawin, itutuloy bukas siguro."

Naglakad siya papunta sa lockers at inilagay ang mga gamit niya doon. Sumunod rin kami. Hinubad ko ang lab gown at maayos na ipinatong sa loob kasama ang oxygen mask. Idinispose naman namin yung gloves.

REMEMBER MEWhere stories live. Discover now