Nanginginig ang aking kamay nang pabalik na kami sa room. Hindi ko akalaing may mga taong nakaka-isip ng mga ganoong bagay. Sobrang selfish nila para subukan pang kontrolin ang mga tao para lang masatisfy ang kagustuhan ng mga elites. Nakakainis at sobrang nakakagigil.
Natigilan ako ng may humawak sa aking buhok at kamay. Napatingin ako sa dalawa at lalong pumula ang aking mga pisngi. Nakakainis itong dalawa. Nagagalit na ako eh!
"Stop that, it won't do you any good." Sambit ni Ereel at pilit binuksan ang nakayukom kong kamay sa magkabila. Hindi na ako nagpilit at binuksan ko na ang nakayukom kong kamao.
"Huwag mong hahayaang pangunahan ka ng galit, Pristin." Mas lalo akong natigilan ng banggitin ni Gastin ang pangalan ko. Napakunot-noo ako at tumingin na lang sa naunang Kisher at Dash. Ginulo niya ang buhok ko at ngumiti. Saka naglakad. Hinawakan naman ni Ereel ang kamay ko saka hinila na rin ako para maglakad.
Ano ba? Naging mabait yata ito ha! Ano 'to pagbabago na rin?
Nakatingin lang ako sa kamay kong hawak niya habang naglalakad kami. Tatanggalin ko na sana ng magsalita siya.
"Don't if you will form your fist again like you're ready to punch."
Pigilan niyo ako.
Mas lalong nag-init ang pisngi ko.
Lomi! Pigilan niyo talaga ako.
MASASAPAK KO TALAGA 'TO.
Anong akala niya sa akin maton? Boksingero? Siya kaya una kong sapakin para magkaalaman!
Hayy! Bwiset! Gigil na gigil na nga ako! Dumadagdag pa 'to. Hinayaan ko siyang tangayin ako hanggang sa binitawan na niya ang kamay ko pagdating namin sa loob.
Hinawakan ko naman ang pulsuhan ko at inikot ikot, nangawit ako sa paghila niya sa akin. Napatingin na naman si Dash sa akin na suot ang kaniyang mapanglokong ngisi. Inirapan ko na lang siya at saka tumabi kay Kisher na nakapikit ang mga mata habang nakasandal sa sofa.
"Ang sakit ng ulo ko sa dami ng nalalaman natin!" Reklamo niya. Hinilot niya pa ang kaniyang noo. Umupo na rin naman sa sofa sina Gastin at Ereel.
"I'm more eager to finish this project now compared before. So royals huh? They're the reason why we're all suffering today."
Sabi ni Ereel. Dumadaldal na rin ito ha! Sign na ba ito? Na magbabago na ang walang ekspresiyong Ereel? Nalaglag agad ang panga ni Dash. Pasukan sana ng langaw. De joke.
"Ereel bro, sa wakas. Dumadaldal ka na rin!" Masayang wika ni Dash na napapalakpak pa sa tuwa. Sayang saya?Sinamaan naman siya ng tingin ni Ereel kaya natawa naman si Gastin kay Dash na parang biglang nalunok ang dila.
"Hindi pa nagtatapos ang laban sa virus. We're not even in halfway towards the success yet." Sabi naman ni Gastin.
Isinuklay niya ang kaniyang daliri sa buhok. Right. Tatlo ang main formula to complete the drug at isa pa lamang ang natapos namin. Nakakastress mag-isip. Napatingin naman kami kay Kisher ng bigla siyang tumayo. Na itinaas pa ang kamay niya.
"Kailangan nating magrelax. May pupuntahan tayo!"
Excited na usal niya. Napakunot naman ang noo ko. Huh? Saan naman kami pupunta e di naman kami napapayagang umalis dito?
"Ang talino naman ng suggestion mo. Parang makakalabas tayo ha?" Pabalang namang sabi ni Dash sa kaniya. Ngayon lang ako umayon kay Dash. Mapagalitan pa kami niyan.
"Kung ayaw mo edi 'wag kang sumama. Hindi naman tayo lalabas sa building aber." Sabi naman ni Kisher saka pumasok sa kuwarto niya. Hala siya! Walk-out si ate.
YOU ARE READING
REMEMBER ME
Science Fiction(COMPLETED, UNEDITED) It all started with the Project Breinox. All countries were alerted of the spreading BV-18, also known as the brain virus. The government wanted to take an action immediately to prevent this from affecting people so they had co...