REMEMBER: Chapter 20

34 1 0
                                    

It's a big blow to the country when the virus came in. The president immediately perform lock down all through out. Close lahat ng mga facilities and infrastractures except sa mga groceries at iba pang bilihan ng mga pangangailangan.

We decided to work today.

Tuluyan ng hindi pinapansin ni Kisher si Dash. I don't know what is wrong with her but I'm sure Mika's the reason. Lagi lang naman siyang bukambibig ng isa naming kasama.

I did a quick research on my ST, lucky that it's very handy, and it also states that our country has now 2 positive carriers and 34 under monitored people.

The president is asking us how's it going on our project. Mabuti na lamang at nabigyang paunang lunas ang mga nagpositive. As for the pres., si Prof. Clart ang bahalang nagreason out sa kung ano ang natapos namin.

We are here gathered at the laboratory. As usual, I'm with Dr. Ivory. Mika's also with us.

"Anong nangyari sa second main formula?"

Tanong ko kay Mika. Tumingin naman siya sa akin saka nagkibit-balikat. Nagpout pa siya ng kaunti pero hindi nakatakas sa paningin ko ang kasama nitong tinatagong kurba ng labi.

"No progress. 36th trial na pero hindi pa rin magawa-gawa."

Umiwas siya ng tingin sa akin at saka ipinukol ang tingin kina Dash. Tumango lang ako saka nagkunwaring nag-iisip.

Dr. Ivory is busy studying the improved microscope that was given by the president.

"That's odd. We never got to the 30th trial before. Usually, 20 plus lang na trial ang nagagawa bago ito tuluyang matapos."

Nakita ko ang pagsulyap sa akin ni Kisher nang marinig ang aking sinabi. Ngumisi siya saka unti-unting inilihis ang tingin sa akin papunta kay Mika. Ngumis naman ako sa kaniya pabalik. Alam niyang hino-hot seat ko itong kasama ko ngayon.

Bahagyang siyang natigilan pero agad namang nakabawi. She cleared her throat before speaking.

"I'm sure naman na mahirap talaga yung pangalawa. You haven't seen the process that's why you can say it like that."

Pinigilan kong tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Ang kapal! Mas matagal pa ako kaysa sa kanya dito tapos kung umasta ay parang mas may alam.

And yes, hindi namin nakita ni Kisher ang process dahil inassign kami sa ibang gawain. Gastin and Ereel were with them but not often because they were working with the new technologies that time.

"Hmmm. I hope so."

I whispered in the air.

"Pristin, can you check if there's a leak on the back part?"

Agad akong lumapit sa kinaroroonan ni Dr. Ivory saka ginawa ang dapat gawin. Tinignan kong maigi at wala namang hole o crack na pwedeng daanan ng liquid substances.

"None, Dr."

She nodded and started placing the failed second formula on the center. Nagulat ako nang hiwaan niya ang kaniyang daliri at may pumatak na dugo doon. Pinaghalo niya ang dalawa saka sinimulang obserbahin iyon.

"Where do you study?"

Napatingin sa akin si Mika. Mukhang ayaw pa niya akong sagutin.

"Bakit gusto mong malaman?"

Question to question huh?

"Bakit hindi?"

I looked at her innocently. Na parang wala lang sa akin ang pagtatanong. Nakipagtagalan siya sa titig saka unti-unti ring umiwas. Then she laughed sarcastically.

REMEMBER MEWhere stories live. Discover now