Kinakabahan ako ngayon. Tapos na ang dalawang main formula. Iyong ikatlo na lamang ang kailangan para makumpleto ang medicinal drug.
And to complete this, kailangan namin ng ahas.
May ahas naman dito. Nakakatayo pa nga, nakakapagsalita pa. De joke!
Kailangan naming makuha yung ahas na pinanggalingan ng virus. Para na rin makuha namin ang venom nito. At matapos na lahat.
Kaya ngayon. Nandito na kami sa harap ng laboratory room at hinihintay ang mga kasama namin. Sir Mark, Sir Artan and Prof. Clart will be accompanying us outside.
Lalabas na kami ngayon.
As in! Hindi lang sa campus kundi sa labas ng campus!
But of course, hindi pa kami uuwi. Magha-hunting kami ng mga ahas. Ngiting-ngiti naman ngayon si Mika na hindi pinapansin ng iba except kay Dash.
Sarap niyang isako!
Hmmpp. Gigil.
"Bakit pa kase tayo ang lalabas? Anong pumasok sa utak ni Dr. Ivory at tayo ang isinuggest niyang kumuha ng ahas?"
Bulong niya sa akin. Tumingin ako sa kaniya at sumagot.
"Dr. Ivory also doesn't trust Mika. That's why tayo ang isinuggest niya sa mission na ito. Baka sirain ni Mika ang dalawang formula na natapos na natin. At least, bantay-sarado natin siya ngayon."
Nagulat si Kisher doon. Ako nga nagulat rin nang malaman ko iyon.
"Weh? Di nga?"
Tumango naman ako at napasinghap siya.
At parang sakto namang pagtingin ni Kisher kay Mika, napadako ang tingin niya sa amin at plastic na ngumiti. Sa sobrang peke ng ngiti niya ay umasim agad ang mukha ni Kisher.
"Ay ahas!"
Sadyang sigaw ni Kisher dahilan para mapatingin ang lahat sa kaniya. Humikab naman si Ereel saka umiling. Naiisip niya siguro na magpaparinig si Kisher.
Si Mika ay ngumiti pa rin ng pilit pero ang mga mata ay naiinis. Samantalang si Dash ay napaka-oa.
"Nasaan?!"
Natatarantang sigaw ni Dash saka hinila agad si Kisher. Saka tumingin-tingin sa paligid. Napasubsob naman si Kisher sa dibdib ni Dash at lahat kami ay nagulat doon.
Saglit kaming natigilan bago humalakhak si Gastin. Nakita ko naman ang masamang tingin ni Mika kay Kisher.
Agad umayos ng tayo si Kisher at lumayo kay Dash. Pinampag niya pa ang damit. Arte ah.
"Wala! Engot! Joke lang 'yon!"
Inayos ni Kisher ang kaniyang cap. Yung pag-aalala kanina sa mukha ni Dash ay napalitan ng pagkaseryoso. Uh-oh Ano 'to?
"Hindi nakakatawang joke yun."
Usal niya. Tumalikod naman si Kisher saka bumulong pa at nagmake-face.
"Baka nga ikaw inaahas na. Tsk."
Umiiling siyang lumapit sa puwesto ni Ereel para hindi na siya kausapin ni Dash.
Lumapit naman ako kina Gastin. Si Mika, ayun lumingkis sa braso ng seryosong Dash. Umiwas na lang ng tingin si Dash at nakipag-usap kay Mika.
Obvious naman na gusto ni Mika si Dash! Ewan ko lang kung ganon na rin si Dash sa kaniya!
"Am I the only one noticing it?"
Tanong ni Gastin habang nagpabalik-balik ng tingin kina Dash at Kisher. Nagkibit-balikat lang ako saka sumagot.
YOU ARE READING
REMEMBER ME
Science Fiction(COMPLETED, UNEDITED) It all started with the Project Breinox. All countries were alerted of the spreading BV-18, also known as the brain virus. The government wanted to take an action immediately to prevent this from affecting people so they had co...