e l e v e n

7.3K 371 28
                                    

Luna.

"Cervantes, guard!" sigaw ni coach mula sa labas ng field.

Tirik ang araw.

Maaliwalas ang panahon.

Nasa training kami ngayon dahil sa paghahanda para sa University Cup. We only have 3 weeks to prepare, dahil next week na ang start ng mga games. Huling event game kasi kami, field sports.

Last playing year na namin na magkakaibigan, kaya binubuhos namin ang efforts para magchampion ulit.

We have our connection since Lazaro is now doing well inside the field.

Speaking of Lazaro, simula ng malaman ko kay Alison na sa kanila pala ang LEU nagka-interest akong kilalanin siya.

I'm thinking about the reason why she transfered here in the Masteral kung ang ganda na ng estado nila sa LEU.

Alison said that there's a lot of story to tell about Lazaro. Alam niya 'yon dahil highschool pa lang magkakasama na sila nila DJ.

Nagkahiwalay lang silang tatlo because Alison is a recruit player here in Masteral and she gladly took the opportunity.

The three of them have the same courses but they have to separate ways dahil sa LEU nagcollege sila DJ at Lazaro. Kaya nga natawa na lang si Alison nung magtransfer yung dalawa last academic year dito.

Tahimik daw si Lazaro tungkol sa pamilya niya, she's living her life like nothing happened worst about her past.

But I'm not even satisfied for what I know. I will never be, as long as I can't have the answers of all my questions.

I became more interested about her life, about her story to the point that I wanna find it all out by myself.

"Torres, assist kay Cervantes!" malakas na sigaw ni coach kaya nabalik ako sa realidad.

I run to get the ball and tried to kick it way to other side of the field.

But I missed it kaya natwist yung paa ko that causes me to be out of balance.

"Ouch!" daing ko ng maramdaman ko yung sakit.

Agad naman silang napahinto at nilapitan ako.

"J, are you okay?" unang nakalapit sa akin si Pat at kahit hinihingal niya chineck niya agad ako.

"Coach, mukhang injured 'tong isang 'to." saad ni Alison.

Lumapit na rin si coach at maingat na hinawakan ang paa ko.

"Aray naman, masakit!" daing ko.

"Lazaro, dalhin mo na sa infirmary 'to." utos ni coach, wow ha. Sa lahat ng uutusan naman si Lazaro pa. Can't blame him, Lazaro is one of the tallest here.

"Kakainjured lang ng sweeper niyo, gusto mo pa sumunod?" ungot ni Lazaro at binuhat ako.

Ayan na naman po siya, ang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko.

"Sana all binubuhat!"

"From enemies to magjowa." usal ng mga teammates namin.

"Mga gago kayo!" sigaw ko kahit buhat ako ni Lazaro.

"Mamaya mo na sila awayin, mabigat ka pala kahit mukha kang tikling." sabi ni Lazaro tsaka siya naglakad way to infirmary.

"Edi bitawan mo ko!" inis na sabi ko.

"Hindi pwede, yayariin ako ni coach eh." sagot niya at patuloy sa paglalakad.

Namamanhid yung kaliwang paa ko, kaya pumikit na lang ako.

Ramdam ko ang mabigat na paghinga niya, dala ng pagod kanina tapos buhat niya pa ako.

As we arrived on the infirmary nilagay niya agad ako sa may hospital bed.

"Anong nangyare sa kanya?" tanong nung nurse.

"Natwist po ata ankle niya kanina habang nagtetrain. But I think may naipit na vein and for few minutes mamaga 'yang paa niya." siya ata doctor dito eh. She remove my spike shoes carefully. "Medyo lutang po habang nagtetraining 'yan eh." she added.

"Ganon ba? Sige, kukuha lang ako ng panlinis ng mga paa niya and ointment tsaka mga kakailanganin sa pilay niya." the nurse explained na tinanguan ni Lazaro.

"You think gagaling 'to agad?" tanong ko pag alis ng nurse.

"Yeah, basta naipahinga lang ng maayos and kapag natanggal yung pagkaipit ng vein mo." she sounded like an expert, nakalimutan ko na biology student ang kausap ko. Isang doctor sa hinaharap.

I heard her explain some more kaso wala naman ako maintindihan sa medical terms niya.

"Next time 'wag ka ng gagawa ng katangahan. Baka mamaya maggraduate ka ng di ka nakakapaglaro sa last playing year mo." banta niya.

"Whatever." pag irap ko sa kanya.

Nakuha pang mangbwisit eh.

"Oy, bakit ka pala naglaro ng football kahit di mo sports 'to?" pagbubukas ko ng topic.

"Because Deejay asked for this. It's her sports after all, I have to support her like how she supported me all through the years." sagot niya.

"Close talaga kayo 'no?" tanong ko.

"Yeah, she's my bestfriend and closest cousin. Ano pa bang magagawa ko?" she replied at ngumiti.

Hindi ko inasahan 'yon.

"Magpinsan kayo?" 'di makapaniwalang tanong ko.

"Yeah, her mom is my aunt. Dominique Jessica Lazaro Ventura is Deejay's fullname. Deej's family is the only family I have." paliwanag niya. "That's why me and her are really close." she added.

"Only family? Eh nasaan ang mommy mo?" tanong ko.

Nakita kong may gumihit na sakit sa mga mata niya but she manage to hide it again.

"Wala na, patay na siya. Matagal na, sumama na kay Martina at Dad." natatawang sabi niya.

Magsasalita pa sana ako when the nurse came in.

Pinunasan muna nung nurse yung paa ko para maalis yung dumi then she put something na malamig.

"It would be better if lagyan muna siya ng benda sa paa para di na pupwersa." the nurse suggested.

"Sige, ilagay niyo po. Just to make sure na hindi magalaw. May saklay naman po siguro diba?" tanong ni Lazaro.

"Yes." the nurse replied.

"Paano ako magdadrive?" tanong ko kay Lazaro.

"Sorry for now, you can't." sagot naman niya.

"Eh, paano yung kotse ko?" saad ko.

"Uutusan ko si Dominique na magdrive 'non then convoy tayo sa kanya gamit yung wrangler para maihatid ka." agarang sagot niya. "At 'wag mong isipin kung sinong susundo sayo habang may pilay ka, ako na." she added.

"Hindi ka ba busy?" tanong ko, dahil anong malay ko na nakakaistorbo ako.

"Nope. And besides nasa pareho tayong team tsaka SC Officers pa, we have the same appointments aside sa classes natin. For sure Sam and Patrice won't let you alone in that kind of situation." she explained.

Sa dalawang taon na halos na magkasama kami ni Lazaro, ito lang ang matinong usapan na meron kami.

After namin sa clinic, sinamahan niya ko sa locker para maligo narin at magpalit. Siya din naman naligo na at nag ayos dahil nakajersey din 'yan kanina.

When we got to prepare, magkaklase kami sa next sub namin and because of that we're together.

Inalalayan niya ko sa maghapon dahil may inasikaso naman ako sa SC Office habang siya nakatulog sa may sofa sa pag iintay.

Iniikot ang swivel chair ko para makita siyang mabuti.

How can she be this peaceful even when she had a lot of burdens to carry?

Paano ka ba talaga mamuhay, Andrea?

---

Teased Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon