Luna.
Nakailang paperworks na rin ako na kasalukuyang tinatapos ko nang huminto ako para ipahinga muna ang mata ko.
Over exposed na yung mga mata ko sa laptop, malabo na nga lalabo pa lalo.
Dahan dahan kong tinanggal yung eyeglasses ko tsaka yumuko sa desk ko.
Nasa SC Office ako dahil ayoko umuwi at 'dun tumapos ng gawain kahit wala narin naman akong klase.
Feeling ko kasi kapag nasa bahay ako inaantok lang ako, tsaka balak kong magreview magdamag dahil start na ng midterms bukas.
Ramdam mo naman yung dito sa school. Walang maugong at maiingay na estudyante, nagkakasalubong pero di nagbabatuhan ng tingin.
May mga kanya kanyang iniisip lalo na kaming mga graduating.
Sa totoo lang nakakapressure rin pala kapag ganito.
Consistent naman akong number 1 sa Department namin at sa mismong major namin pero dahil patapos na kami andami kong iniisip na baka ang ending hindi ako ang valedictorian.
Gaya ng sabi ko, sarili ko lang ang expectations na meron ako.
Mga magulang ko kasi kung anong kaya namin walang kaso sa kanila.
Competitive nga lang talaga ako at ayoko na nauungusan ako sa alam kong siguradong kaya ko.
'Yun 'din ang naging dagdag inis ko kay Lazaro noon, gaya nga ng sabi ko noon she can do everything without trying.
She's too good at everything sabi ko pa nga buti hindi ko siya kapareho ng course.
Lagi pa naman siyang focused sa pag aaral. Hindi namin siya nakakasama lagi noon dahil laging nasa kung saan para magreview at magbasa ng mga syllabus niya.
Tapos kapag nagkikita naman kami nang iinis lang siya. Kaya mainit ang dugo ko sa kanya noon eh.
Hanggang sa maramdaman ko 'to, yung abnormal na feeling kapag andyan siya.
Nabawasan narin ang asaran namin mula nung Cup. Mas malakas na nga mang asar ang mga kaibigan namin dahil dinidiin nilang magjowa kami.
Hindi ko rin kasi alam kung san pupunta yung abnormal feels ko sa kanya.
Last time I check, straight ako.
Ngayon, ewan.
Pero kinikilig?
Lumalakas yung kabog sa dibdib?
Nagwawala yung mga kahayupan sa tiyan?
Dahil sa iisang tao?
Nakakaloka nga!
Nakuha talaga ako sa asar na may halong landi ng babaeng 'yon eh.
"You look haggard?" biglang sulpot ni Alison na mahinhing pumasok dito sa office.
"Buti nandito ka? Kala ko busy kayo?" hindi pinansin ang sinabi niya.
"Galing ako sa building namin and I came here for snacks." she replied at itinaas pa ang dala niyang paperbag.
"Eh, bat dito pa?" tanong ko.
"Sabi ni Patrice nandito ka sa office and naisip ko rin na baka di kapa kumain kaya sabayan na kita." alangan niyang sabi.
Hindi ako kumbinsido.
"Alison?" nagbabantang sabi ko.
"Fine. Pinadala 'to ni Drei and she asked me to join you here, hindi siya makaalis sa department namin dahil busy. Kaya kumain na tayo." pag amin niya at binuksan ang dala niyang pagkain.
BINABASA MO ANG
Teased Of Us
Novela JuvenilHighest Ranking : #1 in #gxg Teased of Us : Imperial Series #1 Luna is currently taking her last year in college, before leaving the student life she promised to herself that she will make the best out of it. And then her batchmate from biology depa...