t h r e e

11K 478 38
                                        

Luna.

Hindi ko alam paano ko pakikisamahan si Lazaro ngayon. Una, hindi ako sanay. Pangalawa, mauuwi na naman panigurado 'to sa pagkasira ng mood ko. Hindi ko nga alam paano ko nakayanan ang mga unang buwan na madalas kasama namin siya.

We are heading to the parking lot, hindi siya nagsasalita because she's typing something through her phone.

"Is it okay if car ko na lang gamitin natin?" she asked and showed her car keys.

Tumango ako at hindi nagsalita.

"Ayaw ko kasing mapagod ka pa sa pagdadrive." wala talagang maayos sa mga sasabihin niya. Nang asar na naman.

Laging may halo eh, gin ka ba?

"Pwede ba, Lazaro itikom mo na lang yung bibig mo? Baka masuntok na kita." naaasar kong sabi.

"Alam mo, nagmamalasakit lang naman ako." nakangiti niyang sabi.

She always smile like this when it comes to me, sa iba naman okay lang siya eh. Masyado ata siyang nag eenjoy sa pang aasar sa akin.

Pero hindi ko alam kung nasaan ang lakas ng loob neto para ngumiti kahit kita niyang di ako natutuwa sa kanya.

"Hindi sports car ang sasakyan ko, sensya na." sabi niya pa. Jeep wrangler na color black ang kotse niya, pero mas mahal pa yata ito sa kotse ko gawa ng second hand at old model yung akin.

Sasakay na dapat ako sa backseat when she talks again.

"Ma'am, dito ka sa passenger seat. Wag mo naman akong pagmukhaing driver." pakiusap niya. Ang arte.

Hindi ako sumagot pero sumakay na ko sa passenger seat. Wala akong balak makipag argyumento sa kanya para dun.

She started the engine without saying a word and started driving.

I can actually say na maingat siyang magmaneho. She's too focus on driving when I decided to turn on her speaker.

Ano kayang mga kanta niya dito?

I played her stereo when a familiar song played. I know the song, pero hindi katunog ng original singer. Cover ba 'to? Ang ganda naman.

But it took me a while to realize who's the singer.

"Is that your voice?!" nagugulat na sabi ko.

She pushed the next button and the song changed.

"Maganda ba boses ko?" nakakalokong sabi niya bago bumalik sa daan ang tingin niya.

"Boses palaka." asar ko sa kanya. Kahit sa loob loob ko, ang ganda talaga ng boses niya.

I didn't know but it turned so well. May talent naman pala bukod sa manira ng araw ng iba.

Pero hindi ko 'yon sasabihin sa kanya.

"Ang ganda ko namang palaka." bawi niya sa akin. She's really confident. Whatever.

"Kapal ng mukha mo." inirapan ko siya.

She just continue driving, and about 20 minutes nakarating na kami.

Buong biyahe wala naman kaming ginawa kundi magbarahan eh. Marami siyang baon na hirit parang matutuyo na utak ko sa kanya.

"Nandito na tayo." sabi niya sa akin at tinanggal ang seatbelt niya.

It's a company building with about 4 to 6 floors, well I guess this is the printing company.

Ink Bender Printing Company, Inc.

Teased Of UsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon