t w o

11.4K 443 21
                                    

Luna.

"Good morning!"

I heard my sister, Lea shouted from the stairs.

"Good morning, LA!" sabi ni Kuya RL our eldest.

Lumapit naman dito sa may dining table si Lea para halikan kami ni kuya RL sa cheeks.

We used to call each other by our initials. Mine is LJ, stands for Luna Javier, while Kuya is RL for Rafael Luis and lastly our youngest LA for Lea Ariella.

Kuya RL is a professor from a prestigeous university, he's 25 years old but a PhD already.

While Lea is 2nd year college from Masteral International University which is also the university where I study. We're in the same department but she's a Science major.

We're eating breakfast since our parents are not around. My Dad is a regional superintendent from Department of Education while my mother is a current Dean from a university. They had to attend separate seminars for this month so I am living only with my siblings.

Pamilya kami ng mga teachers kaya malakas din ang maging impluwensya na iisang courses lang ang tinake naming magkakapatid.

"Kuya, it's 7:30am already. Hindi ka pa ba malelate niyan?" tanong ko, alam ko kasi 7am ang pasok niya.

"No, may meeting lang ako mamayang 10am pa." he replied while eating. "At ihahatid ko kayo." he added.

"Si LA na lang, magdadala ako ng kotse eh." sagot ko.

"Nice, may driver. Sana araw araw may meeting." segunda ni Lea.

"Hoy, LA para namang hindi ka pinagdadrive ah?" sabi ko sa kanya.

"Ayaw kitang nagdadrive para kang papatay." walang kagatol gatol na sabi ng magaling kong kapatid.

I have my own car, sports car pa nga, it's my parents' gift when I graduated SHS. I never wished for it but they insist to buy me one.

"Wala na bang ibabagal takbo ng pagdadrive mo?" tanong ni Kuya.

"80kmph lang 'yon ah." sabi ko sa kanya.

"40kmph lang ang minimum!" reklamo ni Lea.

"Oh, edi mag-commute ka na lang." asar ko sa kanya.

Walang sumasakay kapag ako ang nagdadrive maliban kay Kuya RL, siya naman kasi nagturo sa akin magdrive and he knows that it's safe ayoko lang talaga ng mabagal.

"How's school?" tanong bigla ni kuya sa amin. "J, graduating na kayo ni Sam saang school ka magtuturo?" baling naman ni kuya sa akin.

"Baka sa institution muna kami, I guess kung saan ka dati nagturo?" sagot ko.

"Maganda naman 'dun. But after LET magpa-rank kana agad para agad kang makapagmasteral." paalala niya.

"That's actually my plan, Kuya." sagot ko.

"Eh, ikaw LA?" baling ni kuya kay Lea na kumakain lang.

"Madaming paperworks but I'm having fun." nakangiting sabi niya. Si Lea kasi hindi siya ganun kaseryoso sa pag aaral but dean's lister siya ng batch nila.

"Speaking of fun, nag eenjoy ka naman ba sa last year mo sa college?" kuya asked me.

"Yeah, madaming next activities ang university and I know it'll be fun." sagot ko. "Nag e-enjoy naman ako kaya lang---" hindi ka pa natatapos ang sasabihin ko when Lea talked.

"Nag e-enjoy siya pero badtrip lagi kapag nakikita niya si Ate Morgan!" pang aasar niya. She knows that freak, close nga sila dahil Biology student si mokong at under ng field netong si Lea.

"Ah, si Lazaro? Hindi ka parin tinitigilan?" tanong ni Kuya. "I heard she's the top student of Biology Department ng school niyo. Matalino rin pala 'yon." papuri niya kay mokong. Kilala ni kuya 'yon. Tsk.

"Paanong hindi titigilan si Ate LJ? Wala pang ginagawa si Ate Morgan inis na inis na siya kaya na-eenganyo tuloy lalo siyang asarin si Ate." tumatawang sabi ni Lea.

"Pikon ka kasi masyado." kuya stated.

"Tigilan niyo nga ko." pairap kong sabi sa kanya.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na napakapikon kong tao, kaya hindi na sila nagtataka kung bakit bwisit na bwisit ako kay Lazaro.

Matalino naman siya, maganda at masipag pero kasi ang lakas niya lang mang asar yung tipong di mo siya makakausap ng maayos kase puro asar lang ang mapapala mo sa kanya.

Nasa school ako at nakatambay sa SupremevStudent Council Office since I am the President for this academic year and I have some reports to do about the passed activities of the university.

"Nakasimangot ka?" sita ko kay Alison, my VP.

"We have a problem about the launch of the Masteral Shirt Project. Nagback out yung nagpiprint." diretsong sabi niya.

"Problema nga 'yan. Bakit daw nagback out? Expected pa naman ng heads na available na 'yon next week." gosh, bakit ngayon pa? "Any possible solution, Ali?" tanong ko.

She held her phone, like she will find the urgent solution.

"Hm, I guess meron naman." she answered as she dialed something to her phone.

"Hello. Available ba sila?" tumingin si Ali sa akin while she's talking to someone on the phone. "Yes, she's here. Great. I will tell her." then she hang up the phone.

I look at her like asking what is that?

"Solved na. But you have to negotiate with the printing company." sabi ni Ali sa akin.

"Hindi ba pwedeng si Lazaro na lang?" yeah, Lazaro is also part of the council. The VP for Operations. The university supreme student council only have 8 officers.

The President, VP for Associates which is Alison, VP for Operations which is Lazaro, Secretary, Treasurer, Auditor, PIO and Student Consultant.

Konti lang kami but we are all functional.

"Yun nga, Drei is the one who's helping. Since she's the VP for Operations, nauna niyang nalaman 'to ang sabi nga lang niya susubukan niyang mahanapan ng solusyon at 'wag na munang sabihin sayo. Mukhang alam niyang yayariin mo siya, but she got the luck yung printing company ng kaibigan niya available. Kaso nga lang, hindi pwedeng siya lang daw 'don and you are the president yung final say mo daw ang kailangan niya." ang arte talaga ni Lazaro kahit kailan.

"Kailan daw ako kailangan?" tanong ko.

Baka mamaya kasi kalagitnaan pa ng klase ako papuntahin 'dun eh.

"Yun na nga---" hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang may pumasok sa office.

"You ready, Luna?" bungad netong siraulong nakangiti sa akin.

"What?" kunot noong sabi ko. Ready saan? Mabwisit sa kanya?

Nagsalita naman si Ali.

"Ayun, ngayon kana kailangan. And she's here picking you up." nakangiwing sabi ni Ali.

"So, ano Pres? Tara?" tanong niya at agad niya pang sinundan ang sinabi niya. "Sa buhay ko." nakakaloko niyang sabi.

Sinamaan ko siya ng tingin kase hindi ako natutuwa.

"Just take me to that company and finish our agenda." matalim kong sabi.

"Drei, enjoy." Alison smiled meaningful.

"Ako ng bahala sa prinsesa." pilyang sabi niya.

Darn it.

Kung pwede lang manapak ngayon nagawa ko na!

---

Teased Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon