s e v e n t e e n

7.3K 357 16
                                        

Luna.

"Gusto kong maging mayabang pagdating sa 'yo. Yung ikaw yung ipagyayabang ko."

Dalawang gabi na hindi ako makatulog dahil siya ang laman ng isipan ko.

Hindi ko alam anong nangyayare pero hindi 'yon nakakatuwa.

After namin sa location that day nagyaya na kong umuwi dahil hapon narin naman 'yon.

Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko na yung dating inis na nararamdaman ko presensya niya, ngayon pakiramdam ko kaligtasan na.

Nahihibang na nga ata ako.

Nasobrahan na ba ako sa pag aaral at pag aasikaso sa school kaya halos masiraan ako ng ulo?

Hindi.

Alam kong hindi naman 'yon ang rason.

Iisang tao ang dahilan nito.

Mula sa nagwawalang kalamnan.

Halos sumabog palabas na puso ko.

Sa pagiging apektado ko sa mga ginagawa niya.

Alam ko na siya lang ang dahilan 'non.

Hindi pa ganon kaliwanag but I know who's behind all of these.

Morgan Andrea Victoria R. Lazaro

I'm enjoying my last year of college life but I know it's more fun with her.

Lalo na lagi ko nalang siyang kasama. Iisang team kami, iisang council at iisang circle of friends.

Kulang na lang pati kami maging iisa eh.

Hay nako, Luna Javier.

Mababaliw na nga ata ako.

Hindi sumasagi sa isipan ko kung ano ba talaga 'to.

Nakakasira ng ulo.

Hindi pa naman ako nireregla kaya hindi pwedeng topak lang.

Hindi pa nakatulong ang preaching ngayong linggo lalo lang ako nabaliw.

"Your heart knows where you belong and it will make you happy."

"You may not understand but it's perfect."

"Ironic but magical. Doubtful but a gift."

Wala narin akong matinong tulog pero nakahigh parin ako't di nauubusan ng energy sa buhay.

Hindi talaga nakakatuwa 'to.

5:24am // Monday - University Cup

Today is the first day and the opening of University Cup.

Nakabihis na ko at nakaayos ngayon. Maaga akong nagising dahil maaga ang call time na binigay ko sa mga co-officers ko.

I'm the president kaya dapat talaga maaga ako.

I'm wearing a blue and white polo shirt with the logo of our school also the SC logo. This is our official SC uniform for this event. Pinatungan ko naman ito ng varsity jacket namin na may last name ko sa likuran nito. Suot ko rin ang itim na jogging pants na provided ng school para sa mga students na kasama sa mga organization and clubs.

I wear my IDs, yes marami sila. Kasama kasi 'dun yung SC and Athlete's ID namin. I took my bagpack that I prepared for the whole event.

Nandito yung mga extra shirts ko, some enegy bars, tumbler, wallet, cap, retouching kits, my Ipad for event purposes and other stuffs that I'll be needing the whole day.

Teased Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon