s e v e n

7.5K 407 56
                                    

Luna.

Nakabalik kami ng bahay ng hindi kami masyadong nag aaway ni Lazaro dahil hindi ako makabawi sa pambubwisit niya dahil sa hindi ko maintindihang nararamdaman ko ng mga nakaraang araw.

She's always crossing my mind.

All my life I never felt this way. To be annoyed yet, loving it at the same time.

"Andami ng mga pinamili niyo." kumento ni Pat sa amin.

"Hayaan mo na, gastos naman ni Alvarez." ungot ni Alison.

"Abusado." narinig kong sabi ni Dominique.

"Epal." bawi ni Alison dito.

"Bihira na nga lang may lumabas sa bibig ni DJ, pang asar pa eh." sabi ni Patch.

Tinawanan lang tuloy namin sila.

Pinaluto na namin sa maids yung mga pagkain dahil ready narin naman 'tong bahay namin.

2pm narin ng tumambay kami sa sala dahil tumulong kami sa pag aayos ng party.

We set up the sound system sa pool area and dahil located ito sa living room naisip ko na dito lang kami lahat.

Konti lang naman kasi kami.

"Guys, we're just going home to change." anunsyo ni Alison.

"Yeah, me too." Dominique added.

"How about ikaw, Drei?" tanong ni Sam.

"Meron na ako sa kotse. Si DJ na lang ang magdadala ng sasakyan para may gamitin sila ni Ali." litanya ni Lazaro.

"Sabay ako, I forgot to bring undergarments." sabi ni Sam.

"Walang hiya ka talaga." sabi ko sa bestfriend kong pasmado ang bibig.

"As if mahihiya pa ko sa inyo." ewan ko ba sa taong 'to, daig niya naman ang mga taong kanto minsan.

Umalis na nga sila at naiwan kaming tatlo nila Patch at Lazaro dito.

Nakadapa sa may sofa si Patch at maya maya nakatulog siya.

Ako naman nagpophone lang at nagbabrowse sa social medias ko.

Tahimik naman si Lazaro na nasa phone ang atensyon niya. Nakaupo lang siya sa may carpet eh.

Umangat ako ng tingin, she seems focus sa ginagawa niya and she's using a single finger parang may dinodrawing siya sa phone niya.

Nakatanggal yung salamin niya, ngayon ko lang 'yon napansin.

She barely remove that, unlike me ginagamit ko lang yung glasses ko kapag nagkaklase kami.

"May problema?" sabi ni Lazaro sa akin at nagtama ang mga mata namin dahil nag angat siya ng tingin.

"Ang panget mo." kumento ko.

"Mas panget ka." bawi niya. "Bat ka ba nakatingin sa akin?" may dudang sabi niya.

"Wala. At hindi kita tinitignan. Feeling ka masyado." pairap na sabi ko.

"Bumaliktad sana eye balls mo kakairap mo." asar niya sa akin.

Nag uumpisa na naman po kami.

"Lahat ng imposible nasasabi mo." asar na sabi ko sa kanya.

"Oo nga, lahat ng imposible nasasabi ko." nakangiti niyang sabi. "Hindi mo naman ako crush diba?" hirit niya bigla.

"Ang layo ng sinabi mo, Lazaro." hindi ko alam kung san nanggaling yung lumabas sa bibig niya. "Ano ba yang ginagawa mo?" tanong ko tsaka lumapit sa kanya.

Teased Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon