Luna.
2 weeks later.
Matulin na dalawang linggo ang lumipas mula ng mainjured ako.
Magaling na yung paa ko pero nasanay akong hinahatid ni Lazaro.
Nasanay narin akong lagi kaming inaasar ng mga kaibigan namin sa tuwing magkasama kami.
Yung mga araw na 'yon para akong may sakit sa puso everytime that she's around.
Hindi nawala ang pang aasar niya, but instead of being annoyed I like it more.
Hindi ko alam bat ganito, but that crazy human can turn my world up side down.
"How's class?" tanong ko kay Lazaro na kararating lang.
Nandito kami ngayon sa SC Office, dahil wala akong class ngayon. Tapos na kanina pang umaga.
May mga pasok silang lahat ngayon at kararating lang ni Lazaro.
"Ayos lang, no fun." walang ganang saad niya.
Pero nagulat pa ko ng may kinakapkap siya sa bulsa niya.
"Hoy, ano 'yan?" tanong ko.
"Eto?" pakita niya ng mga choconuts galing sa bulsa niya. "Chocobot, gusto mo?" she asked.
Seryoso siya 'dun?
"Chocobot? Are you serious?" halos malakas na halakhak ang napakawalan ko.
"Why? Favorite ko 'to ha? Masarap 'to. You want?" she innocently said.
Morgan Lazaro? Favorite yung tigpipisong choconuts?
Grabe lang.
"Ilang taon kana nga ulet?" tanong ko.
"22, why?" sabi niya bago kinain yung choconuts.
"Ang laki mong tao, chocobot talaga?" asar ko.
"Wow, 'wag ka ngang ano d'yan. Masarap naman, wala naman pinipiling edad sa pagkain." katwiran niya.
Nice.
Tinawanan ko lang siya, dahil di ako makapaniwala sa ganong trait niya.
"Alam mo, if I don't know reason why you are laughing I would love to see it. Pero ako yung tinatawanan mo insulto kaya." nakasimangot na sabi niya.
I find it cute. But instead of living a day dream looking at this girl, bumalik na lang ako sa desk ko.
"Alam mo, ma'am? Bumabait kana." ungot niya habang ako nakatalikod dahil may tinatype ako sa laptop ko.
"Bakit Lazaro? Masama ba ugali ko?" pagsusungit ko.
"Wala naman akong sinabi eh." nakakalokong sabi niya. "Tsaka hindi ka ba nagsasawa na tawagin ako sa apelyido ko pwede namang Drei na lang. Nakakarindi narin eh." reklamo niya.
"Ayoko. Madaming tumatawag sayo 'non." katwiran ko, dahil 'yun ang totoo.
"Eh, Morgan nalang?" suhestyon niya.
"Ayoko, parang morgue eh." angil ko sa kanya.
"Sobra ka naman sa akin, Tuna." ayan na naman siya, pangalan ko na naman. "But Victoria will do, ang arte mo pa eh." rinig kong paghabol niya.
"Victoria?" nagtatakang tanong ko.
"Ayaw mo sa first name at second name ko, so third name na lang." she explained.
I look at her with a confused look.
"Okay, alam mo iilan lang may alam ng third name ko kase walang tumatawag sa akin 'non. Ang underrated 'non because they put that name kasi pinalagay ng nanay ko. My fullname is Morgan Andrea Victoria Ramirez-Lazaro." litanya niya.

BINABASA MO ANG
Teased Of Us
Ficção AdolescenteHighest Ranking : #1 in #gxg Teased of Us : Imperial Series #1 Luna is currently taking her last year in college, before leaving college life she promised to herself that she will make the best out of it. And then her batchmate from biology departme...