t h i r t y - s i x

6.5K 289 16
                                        

Luna.

5 years later.

"Okay, class dismissed."

Tinanggal ko ang salamin ko paglabas ng mga estudyante ko.

2 hours subject done and it's already lunch.

Hindi pa ko tumayo dahil bahagya akong nagpahinga dahil tuluy tuloy ang discussions ko.

Last subject ko na 'yon sa SHS Department para sa araw na 'to mamaya college students naman ang makakasalamuha ko.

Luna Javier F. Cervantes, LPT, MaEd
Dean, College of Education

Tinitigan ko ang glassed name ko dito sa table ko at napailing.

Ang layo ko na sa dating Luna, I've been through a lot.

Ngayon isa na kong dean na may degree pa sa isang malaking unibersidad.

I'm currently working at Masteral International University, yes the university where I graduated is the same university where I was working.

Magkakasama kami nila Samantha na ngayo'y President na ng university, masyadong maaga pero kailangan, si Patrice na dean ng Arts and Sciences Department. Lahat kami almost may doctorate na, at masaya sa mga pwesto namin ngayon.

Sam did great being a teacher, I thought she will be entering medschool para mapagbigyan niya yung pangarap niya talaga pero sabi niya she had already the best. Sa Spain siya nagmasters pero kalauna'y umuwi at dito nagdoctorate na ngayo'y tapos na. Nauna siya sa amin, huling taon na namin ni Patrice.

While Patrice faced a lot of problems and challenges these past few years but I can say that she's doing fine already.

"Hoy, Prof. Cervantes tara na't maglunch." katok bigla ni Samantha sa pintuan ko.

"Oh, wala ka bang meeting?" tanong ko at tumayo na.

"Wala, ma'am." she replied. "Kaya tara na, nasa car park na si Patrice." sabi neto at hinatak na ko.

Wala na akong nagawa at hindi na nakapalag.

BMW ni Patrice ang sinakyan namin dahil siya naman ang masipag magdrive sa aming tatlo.

"Saan tayo kakain?" tanong ko mula sa backseat habang nagbibiyahe kami.

"Sa restaurant ni Alison, her treat daw since we're not able to eat with them after threatre musical nila." sagot ni Sam.

"Namburaot na naman ang mga gaga." segunda ko.

"Talaga, buti nga sabit ka pa eh." pairap na sabi ni Patrice.

Ugali talaga neto 'di nagbago.

Ang matured, siraulo.

"Wala na akong klase." saad ni Patrice.

"Ako, meron." kunot noong sabi ko.

"Absent ka na lang muna." walang alinlangang sabi ni Sam.

"Sige lang, basta bayaran mo kaltas ko." sabi ko sa kanya na tinanguan niya lang.

Ang lakas talaga ng loob. Shuta.

After college, nakapagturo ako agad sa private school before taking LET, pero first take ko pa lang sa LET pumasa na kaagad ako.

Nagparank ako kaagad after a year and I got qualified to a public institution, then 2 years right after my master nagpaqualify ako as assistant professor sa Masteral. Sikap ko parin 'yon kahit pa bestfriend ko may ari ng university dahil di pa siya president 'non.

Teased Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon