Luna.
"Di mo naman sinabing kasama din si Lazaro sa breakfast gathering." ungot ko kay Sam habang nasa rest room kami para magbihis na ulit dahil tapos na ang breakfast with the VIPs.
"Hindi ka naman nagtanong." segunda naman ni Sam.
"Bakit hindi nila alam na dito nag aaral sa Masteral si Lazaro?" wala sa loob na tanong ko.
"Alam mo namang lowkey lang yung jowa mo." ungot niya.
"Jowa, my ass." pairap na sabi ko
Tama naman nga siya, simula't sapul naman hindi pinamumukha ni Lazaro kung sino talaga siya.
Kailan ko nga lang nalaman na nanggaling siya sa malaking pamilya.
We are about to exit the main building when we heard two people talking, napaurong nalang ako at hinila ko si Sam para manahimik siya at di na magtanong pa.
"You are doing great here, Morgan." dinig kong sabi ng isang lalaking puno ng autoridad at katayuan sa boses niya.
It's Don Andres Emmanuel Lazaro, Jr. that I'm talking about at kausap niya si Drei ngayon.
"Thank you, sir." kalmadong saad ni Drei.
"But not enough. Akala mo ba hindi napansin ang pasa sa labi mo?" halos magsitayuan ang balahibo ko hearing his words na parang disappointed pa.
"It's not what you think, sir." usal ni Drei dito.
"I'm not hearing any explanation, young lady. Andrea Victoria, do your damn upgrade, and stop being disgrace to our family. Kaya ka nandito para maputol yang sungay mo." nagngingitngit ang kalooban ko sa mga lumabas sa bibig ni Mr. Lazaro.
"Yes, sir." sagot ni Drei at walang nagawa sa pagjajudge ng lolo niya sa kanya.
"Just make sure that you will graduate in this school without any kind of negative records, wala ka sa teritoryo mo para pagtakpan ang kapalpakan mo. Ayusin mo ang buhay mo." ang bibigat ng mga salitang lumalabas sa bibig ng nakatatandang Lazaro.
I can see how Drei feels humiliated by now, it's written all over her face and I can feel a pinch here in my chest. Damn.
Ano bang ginawa niya para pagsalitaan ng ganon?
She's doing great, I see that but why?
Nakita kong umalis na si Mr. Lazaro at si Drei naman ay napasandal sa pader tsaka napabuntong hininga.
"Lapitan mo na." usal ni Sam sa akin. Naramdaman niya siguro yung pag aalala ko kay Drei. "Mauuna na ko sa field." dagdag niya bago dumaan sa ibang way.
Ako naman, I revealed myself near Drei's position.
"Victoria." saktong tawag ko na maririnig niya.
When she noticed me, the frustrations and sadness from her face had fade.
A sweet smile form to her lips like nothing happened but through her eyes, hindi nakalagpas sa akin ang pagsilip sa lungkot bago ito maging blangko muli.
Split second.
Yun lang ang pagitan ng paglalagay niya ng maskara sa harapan ko.
Isang ngiti na parang walang nangyare kanina na ikinasakit niya.
"Ma'am." she mumbled. "Balik ka na sa field?" she asked.
Ayokong magtanong at ipahalatang may narinig ako kase feeling ko magbebreakdown ako para sa kanya.
"Yes." matipid kong sagot.
"Sabay na tayo." she sweetly smiled again. "By the way, you look more beautiful sa gathering kanina. Hindi ko nasabi eh." nakuha niya pa talagang patalunin na naman ang puso ko.
BINABASA MO ANG
Teased Of Us
Ficção AdolescenteHighest Ranking : #1 in #gxg Teased of Us : Imperial Series #1 Luna is currently taking her last year in college, before leaving college life she promised to herself that she will make the best out of it. And then her batchmate from biology departme...
