t w e n t y - s e v e n

7.2K 326 20
                                        

Drei.

"Sa dami ng pagkain choconuts talaga?" tumatawang sabi ni Luna na ikinasimangot ko.

Sinisita niya na naman ang weird likes ko sa childhood candy na favorite ko.

"Eh bakit?" nakapout na sabi ko.

"Tanga, hindi bagay 'wag kang ganyan." pang asar niya at kinurot ako sa pisngi.

"Lakas mo mang alaska, porke ngayong alam mo ng papansin lang pang aasar ko." sabi ko sa kanya.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko, we're cuddling since we don't have a class for today and no plans to go out.

Mas gusto naming magpahinga dahil sobrang hectic ang schedules namin.

"Feels like last year, kalilipat mo lang at kinaiinisan kita ngayon ito tayo. Ginayuma mo yata ko." akusa niya sa akin.

"Muntik ko ng gawin, kala ko hindi ka bibigay eh." biro ko sa kanya.

"I really had a long process bago ko maintindihan lahat ng 'to, love." pag amin niya. "Nagising na lang akong mahal kita." dagdag niya pa.

"Eh, ako, lugi agad. You really got me since day one. Like every detail of you, I already know. I worked for it." sagot ko naman sa kanya at hinalikan siya sa noo.

"Really?" namamanghang tanong niya.

"Hmm." umakto akong nag iisip. "Galing ka sa clan ng mga teachers, pangalawa ka sa magkakapatid, you are good writing literatures and poetry, you are bad at dancing and you are into leadership since then." tuluy tuloy na sabi ko.

"Hoy, san mo nalaman na di ako marunong sumayaw?!" nakasimangot na sabi niya.

"I saw in your PE class, well." nakakalokong sabi ko. "Sasayaw ka para grades, love." dagdag ko pa.

"Siraulo ka talaga!" bulyaw niya sa akin. Tinawanan ko lang siya.

"Chill, normal naman 'yon na magaling ka sa mga bagay pero may hindi ka rin kaya." sabi ko sa kanya.

"Eh, bakit ikaw lahat kaya mong gawin?" nakataas ang kilay na tanong niya.

"Lahat ba?" tanong ko.

"Sige, magbigay ka ng di mo kayang gawin." hamon niya.

"Making people stay." bulong ko. Wala naman dapat dead air, biro lang dapat pero tinignan niya ko ng mabuti sa mata.

"You do, love. Kaya mo 'yon, ano ba?" awat naman niya. "Natatakot ka ba na iwan kita like your family? Drei, no. Hindi kita iiwanan, so you can make people stay okay? Wag negative, mahal ha? Sinong tanga ang iiwanan ang ganyan ka-ideal person na tulad mo." masuyong sabi niya.

I was supposedly kidding but my heart melted when I've felt the care and worry in her tone.

Everyday Luna never fails to make me fall for her even more.

Strict and attitude man siya madalas but for those she loves ganyan siya kabilis maging malambot.

Defense mechanism niya lang ang pagtataray niya at pang aalaska niya sa tao pero when you really tried to know her like this you will see how precious she is.

Ngayon, hindi na ako magtatakang andaming nagmamahal sa kanya.

She deserves it, kahit hindi niya lang talaga napapansin because she was immuned by being competitive and funny.

I'm so blessed that she ended up with me.

I was busy doing my portfolio here in the student center while waiting for DJ. Nasa klase pa kasi siya.

Teased Of UsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon