Luna.
"Hoy, ano yung naririnig kong eksena niyo kahapon?! Naghalikan daw kayo?!" parang tangang sabi ni Patrice.
Nang iintriga, ang OA talaga neto.
"Hoy J, mag explain ka. Kalat sa university ang kalandian mo." akusa pa ni Samantha na nakasandal kay Patrice.
Nandito kami sa unit ni Sam, Saturday kasi.
Hang out muna, ayaw naman magbar or magmall ng mga tanga. Tinatamad daw sila, pero ang totoo ayaw lang nilang gumastos.
Kaya sabi namin dito na lang nanood ng movies tapos nagkwentuhan. Ako na naman ang nakita nila dahil nakarating sa kanila ang balita kahapon.
"Nililigawan na niya ko." plain na sabi ko.
Pero sa loob loob ko, kinikilig ako.
Peste.
"Girl, paano? Ikwento mo anong nangyare?" tanong ni Sam.
"Gaga, kasalanan mo 'din!" bulyaw ko sa kanya.
Kala ata nito nakalimutan kong siya ang nagsabing nakikipaglandian si Drei sa Dean's Office kaya nag init ang dugo ko.
Napaamin din tuloy ako.
"Well, halata naman na nagseselos ka pero hindi ko naman alam na mag aaminan pala kayo dun. Naghalikan pa, ayos kayo lakas niyo." litanya naman niya. "Dapat magpasalamat ka pa sa akin." mayabang pa niyang saad.
"Ano ba kasing nangyare bakit kayo naglaplapan do'n?" gago, pasmado bunganga ni Patrice ngayon ha.
Inumpisahan ko namang ikwento yung nangyare kahapon.
After lang naman naming magkaaminan hinatid na niya ko pauwi kasi basa kami pareho at baka magkasakit pa.
Katext ko siya kagabi at fresh pa ang lahat ng nangyare sa akin kahapon.
Mabilis na para bang nitong nakaraang araw lang ay pinipilit kong itago.
Hindi ko alam na ganito pala yung pakiramdam when you started to freely love.
I'm very happy and proud about it. Hindi ko ipaparamdam kay Drei na kinahihiya ko siya.
I know this kind of relationship is too much for this world. Pero alam kong enough na rason si Drei para panindigan ko 'to.
"Goodluck to Drei. Hindi niya alam ang pinasok niya." Patrice said and drink to her orange juice.
Gago ba siya? Para namang ang sama kong tao sa lagay na 'yon.
Minsan hindi ko rin alam kung kaibigan ko ba 'to eh.
"I thought you were straight? Nagpabudol ako sa sinabi mong study first ka, ulol." sabi ni Sam.
"I'm straight, before Victoria came." sagot ko tsaka kumain ng pizza.
"Victoria?" Sam asked.
"Her third name." sagot ko.
"Haba pala ng pangalan nung jowa mo dai." sabi naman ni Pat.
"What's your plan now?" tanong ni Sam. "Girl, we all know mahirap ang ganyang relationship?" she added.
"Plans? Enjoy, keep her, love her and won't give a damn for what people say. Hindi naman sila yung mamahalin ko, 'di naman sila si Lazaro." masungit na sabi ko.
"Ay bongga, mars. Sana all brave!" parinig ni Patrice. "Bakla na talaga siya, ikaw kailan ka aamin?" dagdag pa niya at tinignan ng makahulugan si Sam sa tabi niya.
May duda ako sa titigan ng dalawang 'yan, may alam silang wala akong alam.
Pero magsasabi naman yung mga 'yan, hayaan ko na lang.
BINABASA MO ANG
Teased Of Us
Lãng mạnHighest Ranking : #1 in #gxg Teased of Us : Imperial Series #1 Luna is currently taking her last year in college, before leaving college life she promised to herself that she will make the best out of it. And then her batchmate from biology departme...
