n i n e

7.4K 348 17
                                    

Luna.

5am// Sunday

"Good morning!"

Naidilat ko ng wala sa oras ang mga mata ko sa kabila ng antok na nararadaman ko sa pagkalakas lakas na ingay na tumambad dito sa kwarto ko.

"Seriously?!" asar na sabi ko at umupo sa kama ko.

It's Sam and Alison.

"Bangon na, prepare na. Sunday service, girl." sabi ni Ali.

"Ang aga niyong gumising!" iritableng sabi ko.

"Malamang, naghanda kami ng breakfast. Bangag yung iba, wala tayong choice." saad ni Sam.

"Okay, 10 minutes sunod ako." wala pa ko sa wisyo but they have a point.

Umalis sila ng kwarto ko at ako naligo na tsaka mabilis na sumunod sa kusina.

Sunday today and napag usapan nilang sabay sabay kaming pupunta ng church.

Since same naman kaming lahat ng church, except kila DJ at Lazaro pero sasama sila sa amin today.

I'm wearing a simple white dress for today na pinatungan ko muna ng jacket na black. Malamig eh, bakit ba?

Naabutan ko sila Ali, Gwen at Sam sa may kusina. Sila nga ang nagluluto dahil bilin nila kagabi sa maids na sila na lang muna ang bahala.

May mga konsiderasyon naman 'tong mga kaibigan ko kahit na paano. Wala naman si Kuya RL dahil di siya umuwi kagabi but LA is here also pala.

Nakaupo siya sa may dining table kasama si Gregy na nakayuko. Hang over, really.

"Good morning, LA." bati ko sa kapatid ko at hinalikan ko siya sa ulo. "Ano, Greg laklak pa." asar ko kay Gregy bago ako dumiretso sa may pinaka kusina to help those 3 preparing breakfast.

"What can I help here?" tanong ko sa kanila.

"Marunong ka naman magtimpla ng kape 'no?" saad ni Sam na nagpafried.

"Okay lang." kibit balikat na sabi ko.

"Ipagtimpla mo sila Gregy, DJ, Pat at Drei." utos ni Gwen na

Tumango ako tsaka gumawa ng kape dahil yun nga ang sabi nila.

Nang matapos ako agad kong dinala kay Gregy yung kanya.

"Kape para sa mga may hangover." sabi ko at nilapag 'yon sa harap niya.

"Puntahan ko lang sila DJ at Pat 'dun sa guest room sa taas. They need to wake up na, baka malate tayo sa service." saad ni Alison habang may hawak na tray na may kape, gamot at tubig.

Umagang umaga mag aalaga.

"Inom inom hindi naman kaya." naiiling na sabi ni Gwen. "Gregy! Inumin mo na 'yan!" ungot pa niya kay Gregy na nakayuko parin.

"Ikaw, J. Pwede dalhin mo 'to dyan sa guest room sa baba. Gisingin mo na rin si Drei." utos sa akin ni Sam.

"Eh, bat ako?" reklamo ko.

"Unless you will do a protein shake?" tanong niya.

"Nevermind, ito na." sabi ko kahit ayoko naman na gisingin si Lazaro.

Dala ang isang tray na may kape, tubig, gamot at oatmeal na may konting fruits pumunta ako sa guest room.

Kagabi when we got stuck inside the room at nakatulog siya I didn't bother to wake her up.

Hindi daw talaga siya nalalasing but she easily get into sleep kapag di na niya kaya. Kaya dito siya sa guest room na 'to natulog ng tuluyan. Kasama niya sila Alison, Gregy at Gwen na natulog dito.

Teased Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon