Luna.
Tulala akong nakatingin sa labas ng classroom, I am down to the last 2 months of academic year.
I'm done with my internship last week and I'm back with regular classes.
Sobrang bilis dumaan ng araw, lalo na kapag masaya ka. Sa dalawang buwan pilit kong sinulit ang mga pagkakataong nahahawakan, nahahalikan at nayayakap ko si Drei.
Kinabisado ko ang bawat galaw ng mukha niya, maging bawat kurap at kurba ng pagkatao niya.
Para sana kapag hindi ko na siya malapitan pa, kahit sa malayo ay alam ko parin ang takbo ng isipan niya.
"Earth to Luna!" nabalik ako sa realidad ng pitikin ni Patrice ang noo ko.
"Aray!" bulalas ko naman.
"Girl, oh dismissed na wala ka sa sarili mo tanga!" pagsusungit niya.
"Masakit yung pitik mo tanga." pagsusungit ko.
"Whatever. Mas malala 'yan kung si Samantha pumitik sayo." sabi niya habang inaayos yung gamit niya.
Puro kasi Samantha 'tong isa, sabagay wala naman siyang iku-kwentong ibang tao na may pake ako liban sa iba naming kaibigan.
"Speaking of Samantha, why is she not here?" ang alam ko kaklase ko 'yon, nasaan na naman siya?
"Nagcut si gaga, nagkaroon ng tagos eh. Buti ako ang nakapansin, kase baka 'pag ikaw pahiya 'yon. Ingay pa naman ng bunganga mo." litanya niya.
"Wow, salamat sa heads up. Tangina mo." sabi ko sa kanya.
Yung kahit hindi ka nagmumura, mapapamura ka kay Patrice eh.
Punyeta kasing ugali 'yan.
Napasandal ako sa kinauupuan ko at napabuntong hininga.
Naalala ko na naman yung dapat kong gawin.
"Lalim 'non ha? Malulunod na ko, girl." sabi ni Patrice na parang may sinusulat pa sa notes niya, wala after niya magligpit umupo ulit.
"Makikipagbreak na ako kay Drei." plain na sabi ko.
"Ah, makikipagbreak lang pala." parang wala lang na sabi niya pero ilang segundo lang ang lumipas nagbago ang reaksyon niya. "Ano?! Makikipagbreak ka?! Tanga ka ba?" bulyaw niya sa akin. Tanga nga.
I took a deep sigh before I talk.
"Kailangan eh." I replied with a low voice. Pakiramdam ko kase nauubusan ako ng lakas sabihin pa 'yon. Humugot pa ko ng lakas bago makapagkwento kay Patrice.
"Ang hirap nga niyan, pero papayag ba si Drei na ganyan reason mo? You know, mahal na mahal ka 'non." may dudang sabi niya.
Tama siya, na hindi ko naman agad mapapapayag si Drei na makipaghiwalay kaya nag iisip narin ako ng sasabihin ko.
Kahit labag sa kalooban ko.
"Hindi naman niya malalaman na kinausap ako ng ate niya at ito yung totoong dahilan ko. I have to lie, I will try to push her away kahit kapalit pa 'non yung masaktan din ako ng sobra." pinipigilan kong humagulgol kahit iniisip ko pa lang yung thought na 'yon nawawasak na ko.
Alam ko sa sarili ko if I said what exactly the reason was, she will do everything to stay, I know her.
"Don't worry. Nandito ako para sayo. Naiintindihan ka namin." pag aalo nito sa akin.
Sa totoo lang hindi ko alam.
Wala akong ideya paano ko uumpisahang bigyan siya ng dahilan para makipagbreak ako.
BINABASA MO ANG
Teased Of Us
Teen FictionHighest Ranking : #1 in #gxg Teased of Us : Imperial Series #1 Luna is currently taking her last year in college, before leaving the student life she promised to herself that she will make the best out of it. And then her batchmate from biology depa...