Luna.
"May schedule na for graduation photoshoot?" tanong sa akin ni Drei habang binabasa niya yung mga notes ko sa meeting ko with the professors from different departments.
"Yes, mahuhuli kami sa photoshoot since kami ang pinakamarami." sagot ko naman sa kanya.
Nandito na kami AVC ng university dahil katatapos lang ng isang seminar.
We decided to stay for a while kase sabi ko basahin niya yung mga notes ko, incase you forgot VPO siya ng Student Council.
"Magsusuot na finally ng black na toga." saad niya sabay inom ng hawak niyang iced coffee.
Dala 'yan ni DJ kanina para sa amin kase nagpabili si Drei, kase nauhaw siya during seminar and hindi parin 'yon nauubos ngayon.
"Ikaw sure na, ako di pa." nakasimangot na sabi ko. "May final demo pa." dagdag ko.
"Sure na 'yon, you can do it. Ikaw nga highest sa pre demo mo." pagpapalakas niya ng loob ko.
Since she became my girlfriend, naging worry free ako and I learned to be the best without even trying.
Naging chill lang 'din ang concept ko, yung tipong kahit busy ako hindi ko hinayaang mastress ako.
Naturuan niya ko na easyhan lang ang lahat, 'wag magfocus sa gustong patunayan but instead enjoy doing everything.
Hindi na ako naaasar sa kanya dahil ang galing niya sa lahat, ngayon inspirasyon ko na siya to do better.
Kahit madalas parin siyang mang asar at sumagot ng pabalang.
I'm way almost 4 months, graduating na kami. Panibagong chapter na naman ng buhay namin ang magbubukas, ako sa pagtuturo sa private institutions at pagrereview para sa LET habang si Drei papasok na ng medschool.
"Nakapili ka na ba ng medschool na papasukan mo?" bigla kong naitanong kay Drei, pero para yata siyang nasamid. "Love, ano okay ka lang?" alalang sabi ko.
"Ah, oo." alangang sagot niya. "Ano nga ulit 'yon?" 'di siguradong sabi niya.
"Nakapili kana sabi ko ng medschool na papasukan mo after college?" pag uulit ko ng tanong.
"Ah, yeah." mabilis na sagot niya. "I'm planning to enter LEU Medical School, that would be a great choice but I'm not sure if magmemedschool pa ako masyadong matagal." kibit balikat niyang sabi.
"Naiinip ka ba for another 4 years, love? Ituloy mo 'yon, that's your dream and your passion hindi dapat isuko 'yon kahit gaano pa katagal." pangaral ko sa kanya.
"You're my dream." she smiled. "Hindi ko naman kailangan maging doctor since I'm already 4 year graduate and I can help my Lolo handling LEU at kagaya mo magtuturo ako." she explains.
"Pero hindi 'yon yung gusto mo. Hindi 'don nakaset ang goal mo. I'm not your dream, I'm your future okay? Kaya kahit gaano pa katagal na mag aral ka mahihintay kita hanggang sa magpakasal tayo." mahabang sabi ko.
"Sigurado ka na talaga sa akin 'no?" saad niyo.
"Oo naman!" nakangiting sagot ko. "Hindi kita jojowain kundi ako sigurado sayo tanga. If marriage is not the goal, what's the point of dating you." asar ko pa. "Bakit ikaw hindi ka pa ba sigurado sa akin?" banta ko sa kanya.
"Sigurado na ako sayo. Hindi kita liligawan kung hindi kita balak iharap sa altar." putangina. Kinikilig ako. "I can sacrifice and set aside things just to stay with you forever." she added.
"Bakit ang landi mo?" napakagat na labing sabi ko. Nagpipigil na ako ng ngiti dito eh.
"Inumpisahan mo, 'wag kang maarte." she replied. "Ang mahalin ka ang pinakatamang nangyare sa akin."
BINABASA MO ANG
Teased Of Us
Fiksi RemajaHighest Ranking : #1 in #gxg Teased of Us : Imperial Series #1 Luna is currently taking her last year in college, before leaving the student life she promised to herself that she will make the best out of it. And then her batchmate from biology depa...