f i v e

9.2K 466 51
                                    

Luna.

A normal day here in the university. Busy sa pag aaral, ongoing ang trainings at higit sa lahat maraming reports planning sa council.

"Hindi ka pa tapos dyan?" tanong ni Sam sa akin at sinilip ang laptop ko bago tuluyang ibaba sa lamesa ang binili niyang chocolate para sa akin. We are here in the cafeteria.

"Masyadong marami eh." I replied. "Portfolio na lang naman, kaso inuna ko kagabi yung pagpapasa ng reports." dagdag ko pa.

"Ang effort mo talaga dyan 'no? Iba pala talaga kapag gusto mo ang course mo." ayan naman po si Samantha.

"It will took a lot of patience parin talaga." sabi ko sa kanya. "Right, Pat?" lingon ko kay Patrice na busy rin sa laptop niya.

She's also a CoEd student, but we have different majors. Science major kasi siya pero blockmate din namin siya sa ibang units.

"What?" she gave us her confused look. Patrice is always focusing on something that she used to do. She's the type of funny and bully when it comes to her friends, but a bitch when it comes to other people. She knows when to care or not.

"Yung ginagawa mo sabi ko, it needs a lot of patience 'no?" pag uulit ko.

"Yeah, lalo if matandang dalaga professor mo." walang sigla niyang sabi at bumalik ang tingin sa laptop niya.

Nakita kong halos masamid si Sam sa sinabi niya.

"Hindi ko alam kung tama bang kaibigan ko si Patrice." naiiling na sabi ni Sam. "Pasmado ang bibig." she added.

Hindi naman siya pansin nung isa.

Lagi niyan silang magkasama tapos ganyan pa nasasabi ni Sam. Iba closeness ng dalawa na 'yan kundi ko lang sila kaibigan iisipin ko na may gusto sila sa isa't isa.

Kaso alam ko namang straight sila at kapag nagkataon yare si Sam sa pamilya niya.

"Eh ikaw ba? Tapos ka na sa works mo?" tanong ko.

"I was forced to finish it. Lolo asked for it." napabuntong hininga pa siya.

This is her problem talaga, her happiness or their happiness ang drama niya sa buhay.

Si Patrice naman, she's a perfect daughter ever. She had to, because she's the eldest.

Wala talaga akong masyadong alam kay Patrice, wala pa kong nakikilala sa mga kapatid niya at maging sa pamilya niya pero okay lang 'din totoong tao naman si Patrice.

Well, I was surrounded by complicated life situation people

Lucky me.

Instant mami.

Charot.

De, seryoso ako yung swerte kasi di ko kailangan magmeet ng expectations.

Ako lang ang gumagawa ng sarili kong expectations eh.

Competitive and a striving dreamer. I wanted to be recognize by the people not because of my parents but for me, alone.

Kaya siguro naiinis rin ako kay Lazaro, wala siyang hindi kayang gawin.

And she's the best without even trying.

I checked out the time because I have to go to the SSC Office, ngayon kasi ang dating ng unang batch ng tshirts and I have to be there.

12:34pm//

"Sam, I need to go." paalam ko kay Sam na ngayon ay busy sa pagpophone.

"Take care." she replied.

Teased Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon