Luna.
I took a deep sigh and went out my car.
Today is a regular day for me, no internship because it's the photoshoot week.
Arts and Science Department are the first one to take the graduation shoot that includes my girlfriend.
Mamaya pa naman yatang hapon 'yon, may pasok sila eh. Habang ako wala, round lang at paggawa lang term papers ang inaatupag kapag wala sa practice teaching.
Hindi ko balak sirain ang internship niya sa laboratory at graduation shoot niya para bigla na lang hiwalayan siya.
Napagdesisyonan ko na bitawan si Drei para sa future niya at labag man 'yon sa kalooban ko ito ang tamang gawin ngayon.
"Andaming bawal sa mundo, sinasakal nila tayo." rinig kong kanta ni Alison, nandito siya sa may garden kasama sila Gregy at Gwen. Nagja-jamming sila eh, si Gwen guitar, beatbox kay Gregy.
Ang ganda ng boses ni Alison, sa magbabarkada na sila DJ, Alison at Drei puno ng talent eh. I heard DJ is good at singing also.
"Concert?" bungad ko.
"Namimiss ko magtheatre." saad ni Ali.
"Nagteteatro ka?" tanong ko.
"Oo eh, kaso tumigil nung magcollege. Ayoko maghomeschool." paliwanag ni Alison.
"Kanta tayo, Luna!" sabi ni Gwen at nagstrum na.
"3.. 2.. 1.." sabi ni Gregy bago mag umpisang tumugtog. Ang gwapong musikero, kaya 'di na ko nagtataka na maraming may crush sa kanya kahit bakla siya eh.
We began singing Eraserheads songs. They are fans of OPM as I can see, like me.
"After bunch of stress, nakapagrelax din." sabi ni Gwen bigla.
"Oo nga." sang ayon ni Alison.
"Music is the best charger." malanding sabi ni Gregy.
"Tanga, Gregorio. Tara nga, nauuhaw ako samahan mo ko sa canteen." yaya ni Gwen kay Gregy at hinila niya kaagad ito.
They are bestfriends but they are not relatives, nagkataon lang na letter G sila pareho ng initials.
Naiwan naman kami ni Alison dito. Nagpophone siya eh.
"Nakakaloka. Wala akong magme-make up mamaya, shet." usal ni Ali bigla.
"Hala, why?" gulat na tanong ko.
"Nagcancel make up artist ko, girl." asar na sabi niya.
"I have a make up artist to recommend, if you want." offer ko.
"Really? Sige, go! Hindi ako magaling magmake up, si Gwen lang nga nagturo sa akin." Alison agreed.
I checked out my phone and texted someone. Agad namang nagreply at pupunta mamayang shoot nila Ali.
"Okay na, girl." lingon ko sa kanya.
"Thanks, Luna. Wala akong aasahan sa mga barkada ko eh, wala silang kwenta." biro niya.
"Bakit wala bang girly sa inyong magkakaibigan? Sino pala mga tinutukoy mo, si Drei at DJ lang kasi kilala ko." sabi ko.
"We are originally six in our squad. Drei and DJ from here, Leon came from LEU while Sim, VEIU SC President then she's with Raven one who's girly. And I was the one who's friendly. Sa aming lima ako ang pinakamaraming nagawang kasalanan." kwento niya.
"How can you say na sinner ka?" takang tanong ko.
"Ako ang pinakamapanakit eh." usal niya.
"Sinong sinaktan mo?" tanong ko.

BINABASA MO ANG
Teased Of Us
Teen FictionHighest Ranking : #1 in #gxg Teased of Us : Imperial Series #1 Luna is currently taking her last year in college, before leaving college life she promised to herself that she will make the best out of it. And then her batchmate from biology departme...