t h i r t y - n i n e

7.9K 338 38
                                    

Drei.

Lewis Imperial Medical Center//10:42am

"Lewis Imperial Medical Center." sabi ni Mom sa akin. "This is your sister's dream, you, working in this hospital. Natupad mo na yung pangarap ng mga ate mo, namin ng daddy mo para sayo." mom said looking at the doctor's profile here in the hospital lobby.

Nandito kami sa lobby dahil katatapos lang ng first operation ko dito sa Pilipinas.

It's an urgent operation and I was the one who's assigned to scrub in since I have the best capability and knowledge as of the moment.

Hindi nagdalawang isip sa akin si Mom at hinayaan akong gawin ang procedure under her supervision.

And now, we're talking about that.

"11 years ng wala sila ate Martina at Daddy, I missed them." saad ko.

"Drei, are you still blaming yourself for losing your ate Martina?" tanong ni Mom.

"I already forgive myself about it. You and ate Maxine helped me to recover. I'm not blaming myself anymore but I can't stop thinking, if it's not for my impulsive decisions before maybe atleast, we still have ate Martina in our side." litanya ko.

"Martina had a beautiful life, Drei. She lived her life to the fullest, 'yun ang turo namin sa inyo ng daddy mo noon pa. Wala tayong dapat panghinayangan. She became great." nakatungong sabi ni Mom sa akin.

Sa aming tatlo ni Mom at Ate Maxine, si mommy ang pinaka nagdusa ng mamatay ang ate at daddy. Alam ko na mahirap mawalan ng anak at asawa ng sabay, kaya hindi ko rin siya masisi noon kung napabayaan niya kami ni Ate Max.

Nakabawi na nga siya eh.

Sa loob ng limang taon, kahit na hindi ko siya kasama sa NYC 'non, nandun siya lagi kapag kailangan ko ng magulang na darating.

Mom did her best to make it up to me.

"Masaya na ako, wala na kong hihilingin bilang magulang niyo kundi magandang kinabukasan kung nasaan ang kaligayahan niyo. May Attorney na ako, may doctor pa, may teacher at captain. Lahat ata ng propesyon, regalo sa akin ng Diyos." she smiled.

"Mom, masaya narin ako. I'm happy that we're standing strong as a family." lingon ko kay Mommy.

"May mas isasaya ka pa, anak. Alam ko." she gave me an assuring smile. "Akala mo ba hindi ko alam na may naiwan ka dito nung pumunta kang NYC? Naikwento ni Maxine sa akin 'yon, si Luna ba 'yon? Nagkita na ba kayo?" mukha pa siyang mas excited sa akin.

Tanggap ni mommy na part kami ng LGBTQ+ ni Ate Max. Hindi siya nahirapan intindihin 'yon dahil open minded rin siya, si Lolo lang naman noon ang tutol pero bilang si Ate Maxine na ang ulo ng Empire namin natutunan niya ng tanggapin na walang kasarian ang pagmamahal.

"Nagkita na po kami, kaso nga lang casual talk pa lang napag usapan namin." sagot ko.

"Aba, gawan mo na ng paraan." asar ni Mom. "Masyado ng matagal ang paghihintay ni Luna sayo. 'Wag mo ng pahabain, bukod sa tumatanda na kayo mahirap na baka maunahan ka pa. Gusto ko narin magka apo sayo." she exclaimed.

"Hindi ko po kasi alam kung paano, I'm so eager to get married." usal ko.

"Kung alam mo na mahal niyo ang isa't isa, anak hindi mo kailangang isipin kung paano. Basta nandyan lang sa puso mo ang kagustuhan at paninindigan na makuha siya, magagawa mo." payo niya. "Sige na, I have a board meeting. Kumain ka ng lunch ha?" bilin niya bago umalis.

Ako naman, naiwan lang dito sa lobby. Tapos bigla ko pang naisip na gusto ko ng coffee.

Umakyat ako sa office ko para tanggalin at iwanan ang coat ko. Tanging phone at susi ng kotse lang ang dala dala ko dahil may pera at ATM Card naman sa phone case ko.

Teased Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon