Drei.
I'm eating breakfast before going to school here in my kitchen.
Mag isa lang ako ngayong umaga dahil maaga ang pasok ni DJ.
Dito lang din ako natulog kagabi after ng usapan namin ni Max dahil nagyaya narin si DJ. Hindi ko narin inimik ang mom ko, wala akong lakas para harapin siya at masaktan na naman ako sa mga sasabihin niya.
Gusto pa sana ni Max na isama ako sa bahay namin pero tumanggi nalang ako kase ayoko talaga at hindi ako komportable.
Luna already texted na papunta na siya sa school kung san siya nag iintern.
I already missed her.
Hindi ko narin siya nakausap kagabi, sinabi ko naman sa kanya na may inasikaso lang ako sa pamilya.
Luna is very understanding when it comes to my family, lalo na she knew everything kung paano ang sitwasyon ko sa pamilya ko.
Gusto ko narin nga ikwento sa kanya na nagkabati na kami ni Maxine.
Buti na lang talaga magkikita na kami mamaya.
I was eating my french toast when I heard the door bell rings.
Agad ko naman binuksan 'yon.
Bumangad naman sa akin ang babaeng nakablack tube at vest pantaas, paired with fitted jeans and a boots.
"What's good?" taas kilay na tanong ko sa kanya. "Lakas mo makaporma attorney." biro ko sa kanya.
Siguro kilala niyo na.
"May pasok ka?" tanong niya habang nakatingin sa uniform na suot ko.
"'Di ba obvious? Nasa harap na ang ebidensya, your honor." pang aasar ko sa kanya.
"Tanga neto. Ugali mo na namang mang asar, wag ka muna pumasok." ay tarantado parin pala siya.
"Hahanapin ako sa school." kunot noong sagot ko.
"Sabi ni DJ when I asked her wala kayong masyadong ginagawa today tapos half day ka lang. Alis tayo, imma buy a car." yaya niya sa akin.
"Car? May pera ka?" usal ko sa kanya, kilala ko 'yan di 'yan maluho kahit gago yang kapatid ko 'noon.
"Yep, I managed our perfume branch while I'm in NYC the whole 4 years and I agreed to aunt Cristina kung may sweldo. And malaki narin ang naipon ko." she answered. Madiskarte talaga itong isang 'to, sa aming magkakapatid siya ang panalo sa diskarte habang ako sa leadership while our eldest she's the one who's smart.
"Ano bang kotse ang gusto mo? I have a friend may car shop siya, maganda qualities and models ng car 'don." sagot ko sa kanya.
"Something that you may suggest, ikaw lang naman sa atin ang magaling sa mga kotse. Kaya nga sayo ako nagpapasama, but for now magbihis kana bawal ka ng tumanggi." at wala na nga kong nagawa.
Buti na lang at half day lang ako.
Nagbihis ako ng casual attire lang, isang plain maroon shirt and black shorts then a maroon vans shoes.
Sakay ng kotse ko na halatang ako naman ang nagmaneho nakarating kami sa carshop ng kaibigan ko.
I gave her choices, siya rin naman ang gagamit. Nakapili 'din naman siya kaagad which is a 4 seater car na kagaya ng wrangler ko but she got the upgraded one.
The next day niya pa lang makukuha yung sasakyan pero nabudol ako ng kapatid ko at dinala ako sa mall.
Ang ending nagbuffet kami for lunch, taob na naman ang mga kaldero dahil pareho kaming malakas kumain neto.
BINABASA MO ANG
Teased Of Us
RomanceHighest Ranking : #1 in #gxg Teased of Us : Imperial Series #1 Luna is currently taking her last year in college, before leaving college life she promised to herself that she will make the best out of it. And then her batchmate from biology departme...
