Drei.
Nakakatawang isipin na kung kailan buo na ang desisyon mong manatili, 'dun naman ang biglang pagbawi sayo ng dahilan mo sa pagpili ng bagay na 'yon.
Hindi na talaga ako binibigyan ng mundo ng dahilan para sumaya pa.
Akalain mo 'yon, iniwanan na ako ni Luna.
Kaya ito na naman ako, lugmok at pilit na iniisip kung kelan ba ko magiging sapat na rason para manatili ang mga taong mahal ko.
Una ang pamilya ko mismo ang nagparamdam sa akin 'non. Ngayon naman si Luna, ang babaeng muling nagpaniwala sa akin na merong handang manatili para sa akin.
Mukhang nagkamali na naman ako.
Wala na namang pumapasok na nakakapagpagaan ng loob sa isipan ko.
I'm currently questioning my worth, again.
Napatutop ako at patuloy ang pag iyak sa kwarto ko.
Late night akong umuwi at nag inom sa kahabaan ng highways sa kung saan.
Ito ang hindi nakakatuwa sa katotohanang hindi ako nalalasing.
Kahit panandalian man lang hindi ko magawang makalimutan yung hapdi.
Mula ng dumating si Luna sa buhay ko, nagkaroon ako ng mas malinaw na direksyon pero parang ngayon naliligaw na naman ako.
Umiyak lang ako ng umiyak, wala akong sinabihan ng sakit dahil ayoko ng idamay pa ang iba.
Masyado ng paulit ulit na nagiging putangina ang sitwasyon ko.
Hindi ko alam kung ano ba ang kasalanan ko?
Mula bata ako, alam ko sa sarili kong naging mabuti akong anak, kapatid at kaibigan.
Pero bakit ako paulit ulit na nahihirapan?
Wala akong ibang hiningi at niluhod sa Diyos kundi ang pagmamahal na mananatili, sinusunod ko naman ang mga gusto nilang gawin ko pero wala parin.
Napakahirap maging sapat para sa mga taong mahal ko.
Hindi kailan man ako naging sapat.
Nang dahil sa epekto ng alak, maging sa walang tigil na pag iyak mabigat ang loob kong nakatulog.
Ayoko na sanang magising pero hindi naman pwede 'yon dahil bagong umaga na naman ito.
Nakakapanibago dahil walang Luna sa inbox ng aking telepono.
Tangina.
Walang sigla akong bumangon, hinanda ang sarili ko sa haharapin kong maghapon.
Hindi naman ako halatang magdamag na umiyak dahil hindi naman halata sa akin kung umiyak man ako.
Naabutan ko si Dominique na kumakain na ng umagahan, tinabihan ko siya dahil pinaghanda na pala niya ko ng kape.
"I heard you crying." walang alinlangang sabi niya at hindi man lang tumingin sa akin.
"You did?" takang sabi ko.
"I was in the kitchen last night, drinking water. You look wasted and pale, hindi kita nilapitan dahil alam ko na 'di mo gugustuhing malamang nakita kita kagabi. But now, care to share." kalmado lang na saad niya.
Kilala ako ni DJ, mula sa kilos, titig at kung ano pa. Alam niya lahat sa akin, nagpapasalamat ako na nandyan sila na mga kaibigan ko sa tabi ko sa nagdaang panahon.
Kalmado at normal kong ikunwento ang nangyare kagabi.
Hindi na ako umiyak pa kasi wala na kong iluluha pa.
BINABASA MO ANG
Teased Of Us
Teen FictionHighest Ranking : #1 in #gxg Teased of Us : Imperial Series #1 Luna is currently taking her last year in college, before leaving the student life she promised to herself that she will make the best out of it. And then her batchmate from biology depa...