Luna.
Sumagi sa isipan ko lahat ng nalaman ko mula ng umpisahan ko na kilalanin siya.
Kasabay ng pagkawala ng inis, napalitan naman ito ng hindi ko maipaliwanag na nadarama.
Magulo ang damdamin ko sa loob ng ilang buwan na napalapit ako sa kanya.
Ngayon hindi ko maipaliwanag na bawat detalye tungkol sa kanya ay niyayakap ko na.
Hindi ko alam na sa bawat asar, nakakalokong ngiti at simpleng mga gawain niya madali akong nadadala.
Hindi ko rin alam kung ano na ba 'to? Tama ba 'to? Anong gagawin ko?
Pero hindi ako hihinto.
Para mapatunayan ko na worth it siyang tao, bagay na parang ipinagkakait sa kanya ng mundo.
"Finals na!" sigaw ni Alison.
Oo, nakapasok kami ng finals.
Sweep kami at walang talo sa mga nagdaang games.
We are here in the field waiting for our turn, ako naman nakaupo lang sa bench at kasalukuyang nagmemeditate.
Huling laro ko na para sa taon na 'to, isang hakbang para sa inaasam naming titulo.
Maraming students ang nanonood, mas lamang ang dami ng mga Masters at LEUsians dahil Masteral at LEU ang maglalaban sa finals.
Naging smooth ang mga laban namin sa mga nakaraang araw at last day na ng Cup. Maraming nangyare, kasama na ang masasayang tagpo namin sa fair.
Kita ko sa bleachers sa may taas na tanaw kami dito sa fields ang mga banners ng kanya kanyang team na sinosuportahan nila.
"This is it, pancit!" hiyaw ni Gwen na alam kong kinakabahan.
"Last game." usal ni Patrice sabay angat ng paa niyang suot ang spike shoes niya.
"Goodluck, Yael!" rinig kong sabi ni Sam, na nandito. Nickname ni Patrice 'yan sa bahay nila na ginagamit rin ni Sam, ewan ko ba 'dyan. Madaya 'yan ginagawang rason ang pagiging apo ng may ari ng school para malapitan kami.
"Bat andito 'yan?" pagsusungit ni Gwen kay Dean. "LEUsians 'yan tapos dinala niyo dito. Kalaban yan!" pang asar niya pa.
"Ulol. Players niyo mga ate ko, dito ako para sumuporta. Di ikaw pinunta ko dito." harsh na usal ni Dean.
"Burn, baby burn." ungot ni Alison.
"Goodluck, Ate Jess!" saad ni Dean kay DJ na nakagame face na.
"Where's mom and dad?" tanong ni DJ dito.
"Nasa mga nakaupo dyan sa bleachers, they can't miss your last game." nakangiting usal ni Dean. Bahagya naman ngumiti si DJ, hindi halata pero ramdam ko na totoong saya 'yon.
"You think we can make it?" tanong ni DJ bigla sa kapatid niya.
"You're holding 3 titles for consecutive years magdadoubt ka pa? Infact, may resbak ka pa." tukoy niya kay Drei.
"Thank you, Cass." DJ replied to her sister.
"It's my dream and I'm thankful that you fulfilled it." puno ng galak na saad ni Dean at yumakap sa ate niya.
Napakunot naman ang noo ko sa curiosidad sa sinabi ni Dean.
"May peroneal nerve palsy si Dean, she can't stand this kind of sports or any activities that includes a strength of legs. But it's her dream to be a football player and DJ fulfilled it for her." sabi ni Drei bigla na tumabi sa akin.
BINABASA MO ANG
Teased Of Us
Teen FictionHighest Ranking : #1 in #gxg Teased of Us : Imperial Series #1 Luna is currently taking her last year in college, before leaving the student life she promised to herself that she will make the best out of it. And then her batchmate from biology depa...