t h i r t y - f o u r

5.5K 282 7
                                    

Drei.

Tomorrow is indeed a big day. The graduation day.

Kasama ko si Ate Max ngayon dito sa university, she volunteered on helping me to get my stuffs in my locker and in the SC Office.

Huling regular day na namin ngayon at bukas tapos na ang journey namin sa Masteral.

Ngayon ko rin kukunin ang toga na susuutin ko.

I survived 2 months without talking to Luna.

I became busy for finals week and fixing my papers that I'll be needing for medschool.

Kaya kahit nasasaktan ako at wasak ang kalooban ko hindi 'yon masyadong lantaran sa kilos ko.

Masyadong maraming nangyare sa nagdaang buwan. Hindi 'yon naging healthy para sa akin.

I focused on our final exams, graduation practices and rehearsals. I had enough to atleast continue my journey here before I graduate.

Hindi naman kase nasayang ang efforts ko, dahil may latin honors ako at ako parin ang topnotcher ng batch at course namin.

"You had a great 2 years here, don't you?" tanong ni Ate Max while holding a box na pinaglalagyan ko ng mga gamit mula sa locker ko.

Nandito na kasi kami sa may locker ko. Hawak narin namin yung toga ko.

"I had. The best years of college ever." sagot ko naman.

"Pero malungkot ka ngayon." sabi naman niya.

"It doesn't matter. Wala naman akong magagawa." sagot ko agad.

"Pero hindi ka gumawa ng mas ikakasira mo pa, unlike before nag grow ka na talaga." she softly said.

Sa tono ng pananalita ng ate ko, ramdam ko pagiging proud niya sa akin.

Isa siya sa mga rason kung bakit nakayanan kong magpatuloy kahit wala na sila Luna sa akin.

Hindi ako pinabayaan ni Ate Max, tinotoo niya talagang babawi siya.

Magaan sa pakiramdam na ganito, na kahit paano may kapatid kang masasandalan.

Sabay kaming aalis next week papuntang NYC, siya para sa graduation niya sa law school habang ako para sa pagpasok ko sa medschool.

Buong pamilya namin lilipad 'don, pati sila Grandpa. We will be having a vacation and also we'll meet the Lazaro Clan for a reunion in Madrid.

Susunod na lang sa amin sila Alison, Raven at Sim in a month kapag permanente na kong mananatili sa NYC at wala ng other agendas.

Maiiwan dito yung isa pa naming barkada na mas bata ng isang taon, Engineering kasi course niya at batchmate niya si Dean.

Lima lang talaga kaming lilipad ng New York para mag aral.

"Sabi ni Mom, dumaan daw tayo ng hospital at sasabay siya sa atin." biglang sabi ni Ate Max.

"Ha?" takang sabi ko.

"Sasabay si Mommy sa atin, sunduin natin sa ospital." paglilinaw niya.

"Bakit daw? Wala ba 'yong kotse na dala?" hindi naman kasi sumasabay sa amin si Mommy, tsaka di ko pa 'yon kinakausap.

"May pupuntahan daw tayo. Dami mong say, malay mo ilibre tayo." tinaas taas niya pa yung kilay niya.

"Alam mo, Attorney hindi ka funny. Magpapalibre mo mukha mo. Ano nga, may alam ka na di ko alam." nakataas kilay na sabi ko.

"Basta bilisan mo, tanga." sabi niya. Tignan mo 'to. Ewan ko naman ba dito?

Pinauna ko na siya sa sasakyan dahil medyo mabigat yung box na dala niya, ayaw niya naman ipabitbit sa akin para daw may ambag siya.

Teased Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon