t w e n t y - t w o

6.6K 336 22
                                    

Luna.

Winning a game on a championship is exactly what we wanted. And we made it, finally.

In order to celebrate we went to the mall, buffet ang napagdiskitahang kainin as the night of celebration.

Special request 'yan ng MVP namin, pinagbigyan naman kaagad.

Dinner narin naman dahil kinailangan namin na umuwi or mag ayos ng mga itsura namin dahil gumigitata kami at ang dudungis namin after the game.

"Nakakaloka, MVP naman pala yung freshie naten." asar ni Alison kay Drei.

"Just a luck, and there's a lucky charm." saad ni Drei at kinindatan ako.

Tangina, kinikilig ako.

"Ay, level up." segunda ni Gwen.

"Ah, talaga?" usal ko, kahit sa loob loob ko nagwawala na katauhan ko.

Kinikilig pero dapat chill lang.

"Pero aminin, kabang kaba si Patrice at Alison kanina sa game." baling ko sa dalawang kapitana ng team namin.

"Hindi ko alam gagawin ko kapag nalulusutan si DJ, syempre ako bantay dun." Alison replied with matching facial expression na halos medyo panic pa.

"Hindi ka naman pinabayaan." ungot ni DJ sa kanya.

"Matalino lang kamo si Drei para umikot agad para di ako mapwersa." segunda ni Pat. Si Drei kasi talaga yung babad sa laro kasama ni DJ, lagi silang patakbo eh.

"Ayan kamo si Luna, I just can't understand what kind of powers do Morgan have to run that fast para di maungusan si Luna." pang iintriga ni Gwen.

Ako na naman ang nakita.

Pasalamat ako at wala sila Gregy at Sam dahil mga dakilang sulsol mga 'yon.

"Tara na nga, kumain na tayo. Nagugutom na ako." pag iiba ko ng usapan dahil ako na naman ang matatalo dito.

"Showbiz, mare." asar muna ni Gwen bago ako tantanan.

Nagsitayuan ang mga teammates namin liban sa akin at kay Drei.

"Bakit 'di ka pa kumuha ng pagkain mo?" tanong ko sa kanya.

"I just wanna say sorry about what happened earlier." biglang sabi niya.

After the game and bunch of pictorials maraming nagpapicture sa kanya.

It's funny na mga LEUsians pa halos 'yon.

So, she had to let go of my hand at naiwan ako sa tabi buti na lang at dinumog narin ako ng nakasuporta sa amin.

Hindi naman ako nainis na iniwan niya ko. Mas nainis nga ako kasi naririnig ko how they really like Lazaro, how they adore her.

Niyayakap pa nga siya. Nag iba tuloy yung mood ko kaya hindi masyadong nagsalita.

Kaya mula 'non hindi ko muna siya kinibo hanggang umuwi ako di ako nagpahatid sa kanya, kay Lea ako sumabay dahil may sundo siya then I drove back here nagdala ako ng kotse.

After almost 3 months nagdala na ulit ako ng kotse dahil sa inis ko kay Lazaro kanina.

Ewan ko naman ba sa sarili ko.

"Wala naman 'yon." sabi ko na lang kahit mainit parin ang dugo ko.

"Kilala ako sa LEU as the team captain of Women's Taekwondo Team for 2 years, it's a big story and shock to those students that they will see me studying and giving victory for the rivalry school of my family's home of legacy. Ganon na lang ang gulat nila and sabi ni Dean mas marami daw nakakilala sa akin dahil 'dun. Kaya pasensya kana if hindi kita nabalikan kaagad kanina, hindi na kita nahatid or sundo man lang, pinuntahan pa kasi namin ni DJ ang parents niya." she explained with a tone of worry to her voice.

Teased Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon