Hmm... paano ko kaya sisimulan ang aking istorya?
Sa totoo lang, ayaw na ayaw kong pinag-uusapan ang buhay ko lalong-lalo na ang tunay kong saloobin. Mas sanay akong tumatahimik na lang at sinasarili ko kung ano man ang aking tunay na damdamin. Sanay na rin akong na nakikinig lang sa kuwento ng buhay ng ibang tao simula pagkabata. Ayos na 'yun. At saka pansinin mo sa bawat umpukan ng kuwentuhan, ke-sino man ang kasama mo, laging may eepal para sapawan ang kuwento ng buhay mo. Feeling ko sa mga ganoong pagkakataon ay nasa Bulagaan (TV show segment of Eat Bulaga) ako. 'Yun ayaw magpatalo ng kausap mo sa kuwento mo. Panigurado na ibibida niya na mas nakakahigit ang kanyang naranasan o nararanasan kesa sa mga karanasan mo.
'Di ba malaking epal at panira sa moment mo?
Kupal lang talaga ang dating!
Pero masubukan na nga ibida naman ang kuwento ng buhay ko. Tutal baka huling hirit ko na ito.
Siguro nagtataka ka paano ko nasabing baka huling hirit ko na ito?
Eh, putik naman!
Paano ba naman, ang alam ko kanina papasok ako ng opisina tapos bigla na lang dumilim ang paligid ko. Nagkamalay ako nasa ER na ako. Hindi ko naman alam kung bakit ako nasa ER. Masyadong magulo dito, naririnig ko ang mga nars sumisigaw ng "emergency". Ibig sabihin, may kritikal na pasyente nasa bingit ng kamatayan.
Katakot!
Eh, ako si epal gustong maki-usi. Tumayo ako sa kama at hinawi ang curtain na nagsisilbing divider ng bawat kama para malaman kung ano ba ang kaguluhan na nangyayari.
Noong una'y 'di ko talaga makita ang nangyayari kasi nakasara 'yun tabing. Labas-masok lang ang mga nars at doktor sa loob ng makeshift room.
Nilapitan ko 'yun isang usisero malapit na nakatayo sa kama ko.
"Manong, anong nangyayari?" Tanong ko.
Ampotah dinedma ako!
Pagkatapos umiling siya at nagsambit. "Mukhang matitigok pa yata ito, ah." Sabay buntong-hininga.
Makalipas ng ilang saglit. Lumabas ang isang nars at kinausap 'yon lalaking katabi ko.
"Sir, kamag-anak mo po ba ang pasyente?"
"Hindi ho! Nawalan po 'yan ng malay sa kalsada at nag magandang loob lang ako na dalhin siya dito."
"Ah... ganoon ba?"
"Kamusta na ba ang pasyente?"
"Kritikal po. Puwede po bang maghintay kayo dito hanggang may dumating na kamag-anak ang pasyente?"
"Ah..." Muhkang nagdadalawang isip pa si Manong. "Sige po."
Ewan ko ba. Kinabog ang dibdib ko nang marinig ang kanilang usapan.
Maya-maya pa biglang hinawi ang curtain at natataranta ang mga medical personnels. Kasunod nito ay sumigaw ang isang lalaking medical aid na pinatatabi ang mga tao sa daan. Sunod namang sumigaw ang isang doktor at tinanong ang nars kung handa na ba ang OR. Sumagot ang nars sa reception area ng ER na handa na ang OR. Pagkatapos nito ay inilabas na nila ang kamang de-gulong mula sa tabing lulan ang pasyenteng dadalhin sa OR.
Dafaq!
Ako pala 'yon pasyenteng nasa bingit ng kamatayan.
BINABASA MO ANG
Paglipad ni Astroboy (Flight of Astroboy) 🏳️🌈 [boyxboy] [completed]
ParanormalStatus: Completed Type: BoyxBoy A coming of age story. A boy named Xxx falls in love with another boy named Jjj. Funny, witty and touching.