- 14 -

145 6 0
                                    

Shit!

Nakakahiya!

I'm such a social retard to think that because they have a pool na marunong si Jjj lumangoy. Kahit marunong siyang lumangoy, we're not close friends for me to even do that!

I almost killed the poor guy!

Ampotah talaga!

'Di alam ang gagawin ko. Kanina pa ako sorry ng sorry pero 'di ako pinapansin ng kumag.

Sa shower room malapit sa pool na ako nagbanlaw. Wala na akong lakas ng loob pumasok pa sa bahay ni Jjj pagkatapos ng ginawa ko. Nakisuyo ako sa maid na kunin ang uniporme ko.

Nagbubutones na ako ng polo shirt papalabas ng shower room nang bumangga ako sa isang tao.

"What the fuck...!" Sabi ko.

"Twerp! Do you kiss your mother with that mouth!" Bulyaw sa akin ng binatilyo.

Pagtingin ko sa mukha niya namutla ako. Si Ccc pala ang nakabanggaan ko. Siya ang captain ng basketball varsity ng school namin.

"For a twerp, you sure have a nasty mouth!" Sabi niya sabay tulak sa akin.

Tumama ako sa pader at hinawakan niya ang collar ng polo shirt ko nang mahigpit. Napahawak ako sa likod ko dahil masakit pa ito sa pagkakatadyang ni Aab kahapon.

May atraso ako kay Ccc.

Last year, isang araw bago ng championship 'di nakapaglaro si Ccc dahil sa akin. Hinahabol ako nina Aaa noon. Tumakbo ako papuntang ng gym at aksidente kong nabangga si Ccc noong papasok na siya ng lockerroom. Tumama ang kanyang kanang balikat sa bakal na pintuan at na-sprain ito. 'Di niya tuloy maigalaw ito sa sobrang sakit kaya binangko siya ni Coach Ddd during the game. Bagaman nanalo ang team namin 'di ako napatawad ni Ccc dahil dito. Kaya ayon nadagdagan ang mga taong iniiwasan ko sa school.

Tinitigan niya ako sa mukha ng matagal at nang mapansin kong itinaas niya ang kanang kamay papunta sa mukha ko, ipinikit ko ang aking mga mata at naghihintay lumanding ang kamao niya sa mukha ko.

"Tangna! Binugbog ka naman nila Aaa, noh?"

Binitawan niya ang collar ang polo shirt ko at pagkatapos ay hinawakan ang sugat sa labi ko.

"Aray!" Sabi ko. Tinabig ko ang kamay niya at nag-umpisang humakbang ng paika-ika papalayo sa kanya.

"Shit! Ako ba ang may gawa 'yan?" Tanong niya sa akin kasi hawak ko ang balakang ko habang nalalakad.

"Hindi gawa ni Aab ito kahapon. Masakit pa nga tapos dinagdagan mo pa." Sabi ko na 'di humaharap sa kanya.

Hinawakan niya ang aking balikat. "Eh, bakit kasi hinahayaan mong i-bully ka nila. Bakit 'di ka lumaban?"

"Bakit, ang ginawa mo ba kanina 'di ba pangbu-bully 'yun? Eh, 'yun lagi mo akong pinagtritripan sa school, 'di ba pangbu-bully ang tawag doon?"

"Pero never kitang sinapak o binugbog. 'Yun inaambaan kita ng kamao ko o tinulak kita sa pader, I'm just messing around with you."

"Bakit akala mo harmless prank lang ang ginagawa mo sa akin? 'Di ko nga alam kung paano ako iiwas sa iyo sa school dahil sa takot baka isang araw tuluyan mo akong bugbugin. 'Yun takot na anytime gantihan mo ako ang lagi nasa isipan ko tuwing nakikita kita."

Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko.

"And another thing, you are worse than Aaa at sa tropa niya. At least with them, I know what to expect. Unlike you, puros pananakot ka. Ang dami mong pasakalye. Kung gagantihan mo ako gawin mo na. Wala kang guts gawing ang dapat mong gawin!"

Hindi ko alam kung anong reaction ni Ccc at wala na rin ako pakialam. Hindi ko nga alam bakit nasa bahay siya ni Jjj at kung ano ang ginagawa niya dito. Wala na ako pakialam doon. Ang gusto ko lang gawin ay makaalis sa lugar na ito.

 Ang gusto ko lang gawin ay makaalis sa lugar na ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Paglipad ni Astroboy (Flight of Astroboy) 🏳️🌈 [boyxboy] [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon