Saturday morning.
Sinundo ako ni Jjj. Mag-oovernight kami sa Tagaytay sa resthouse nila kasama si Ccc at mga tropa nito.
Tengene!
Ayaw ko talagang sumama.
Una, 'di ko alam kung papayagan ako ni Mama kasi overnight na 'di pa niya kilala ang mga kasama ko.
Pangalawa, 'di ako sanay na makihalubilo sa mga tao, ika nga socially awkward ako.
Kahapon sa gilid ng chapel bigla ako nagkaroon ng instant crew - ang ibang miyembro ng basketball varsity team. Although, 'di nila ako tinuring na iba. Still, 'di ako sanay.
Pangatlo, 'di ko pa alam kung paano ko pakikitunguan si Jjj ngayon at kung ano man ang relasyon na meron kami. 'Di ko alam kung ano ang mga expectations niya sa akin.
Haist!
Ang hirap!
Nakakapanibago!
Pero syempre ang pagka-brat ni Jjj ang nanaig. Nag-insist siyang ipagpaalam niya ako kay Mama. Kaya ayon 'di ako pinasabay sa school bus at hinatid ako sa bahay.
Mukhang sayang lang ang binabayad ni Mama sa operator ng school bus ah?
Tss!
Magdi-dinner na nang dumating si Mama. She invited Jjj nasa bahay na namin mag-dinner. Ang kumag kahit ano sign language ko sa kanya na huwag niya accept ang offer ni Mama, ayon he accepted 'yun invitation ni Mama.
Nananadya ang kumag na ito, ah!
Haist!
Tiyak interrogation ang dating nito.
Habang kumakain kami, ang daming tinatanong ni Mama kay Jjj. Plus, ang dami rin ikinuwento ni Mama kay Jjj. Karamihan 'yun mga embarassing moments ko pa.
Mama, are you really my real mother?
Haist!
Kanina mo pa ako nilalaglag, ah!
Matapos mag-dinner hinatid ko na si Jjj sa labas ng bahay namin.
"So my baby..." Pang-aasar ni Jjj sabay tawa.
Ampotah!
Si Mama kasi during dinner kept on calling me "my baby" kahit ilan beses ko siyang sinasabihan na nakakahiya kasi may ibang tao. She just ignored me.
"Stop it!" Irita kong sagot.
"I'm sorry. I can't help it. Haha." Biglang pinisil ang pisngi ko. "You look so cute when you are embarass... ouch!"
Sinutok ko ang kanan braso niya.
"Fine... fine.. I'll stop." Tumahimik siya saglit. "My baby... haha!" Tapos bigla siyang tumakbo.
Hinabol ko siya at tawa pa rin siya ng tawa. Mabilis siya pero mas mabilis akong tumakbo. Praktisado yata ako sa pagtakbo dahil sa kakatakas kong mabugbog ng tropa nila Aaa.
Paulit-ulit niya ako tinatawag sa pet name ko. Kaya noong maabutan ko siya malapit na kabilang corner ng street namin, kinulong ko siya sa mga bisig ko mula sa kanyang likuran at ini-squeeze ko ang katawan niya ng ubod ng higpit.
"Okay... haha... I'll stop.. haha."
"Talaga?"
"Yes."
I was about to let him go pero he stopped me.
"Hold me like this for a bit longer." Sabi niya na pinigilan akong tanggaling ang pagkakayap ko sa kanya.
'Tangna!
Pasalamat ka gabi at walang tao sa street namin. Baka ano pa ang isipin ng ibang tao sa ginagawa natin.
I hug him dearly and all my worries fade away.
BINABASA MO ANG
Paglipad ni Astroboy (Flight of Astroboy) 🏳️🌈 [boyxboy] [completed]
ParanormalStatus: Completed Type: BoyxBoy A coming of age story. A boy named Xxx falls in love with another boy named Jjj. Funny, witty and touching.