Miyerkules noong makabalik ako sa eskwelahan.
Dating gawi, nakapatong ang ulo ko sa armrest ng upuan ko nakatitig lang sa pader.
Narinig ko ang boses ni Aaa at tropa niya noong dumating sila sa classroom. Paano ba naman ang aga-aga, nangingikili na ng pera ang mga ito kay Mmm. Si Mmm ang class representative at ginagawang atm machine ni Aaa pag gusto niya ng pera. Sa takot na siya'y gulpihin binibigay na lang ni Mmm ang perang baon sa tropa nina Aaa para wala ng gulo.
Pagkatapos bigyan ng pera ni Mmm sina Aaa, hindi ako hinarass ng tropa nila. Usually, sa akin nila sunod binabaling ang kanilang atensyon para pagtripan. 'Yan ang routine nila since Grade 5 kami.
May mali dito!
Hmm... bakit kaya?
May pinaplano kaya itong si Aaa mamaya sa akin?
Shit!
Ewan!
Inutusan ni Aaa si Aab at Aac na bilhan siya ng pagkain sa cafeteria at sumunod naman ang dalawa.
"Hey, so you're back!"
Potah!
Paano ko pakikiharapan si Jjj after ng nangyari noong Sabado? Galit pa kaya siya sa akin?
'Di ko na kailangan tignan kung sino ang kumakausap sa akin. Sure akong si Jjj.
"I've been calling your house but your nanny told me that you can't be disturbed."
Sush! Manhid ka ba? 'Di pa ba obvious iniiwasan kita?
"..........." Deadma lang ako.
"How are you feeling?"
".........."
Tanga ba itong si Jjj o sadyang epal lang? 'Di nga ako sumasagot pero patuloy pa rin ang pagkausap sa akin. 'Di ba niya gets na ayaw ko siyang kausap?
"Oh, by the way, here's your bag. You left it at my house last Saturday."
Doon ako gumalaw sa upuan ko para kunin ang bag ko sa kanya.
"Hep... hep... ano ito Jjj. Bakit nasa 'yo ang bag ng kumag na ito?" Singit ni Aaa.
Aabutin ko na saan ang bag ko pero hinablot ni Aaa. 'Di naman inalis ni Jjj ang kanyang pagkakahawak sa bag ko.
"Kinausap na kita tungkol dito ah o baka nakakalimutan mo?" Sabi ni Aaa na matalim ang tingin kay Jjj.
"I know." Tumayo si Jjj. "But, I don't remember agreeing to your bullshit. So back off!"
Hala!
Nagulat ako sa inasal ni Jjj. Tila hinamon niya si Aaa.
Putik! Ano ito?
BINABASA MO ANG
Paglipad ni Astroboy (Flight of Astroboy) 🏳️🌈 [boyxboy] [completed]
ParanormalStatus: Completed Type: BoyxBoy A coming of age story. A boy named Xxx falls in love with another boy named Jjj. Funny, witty and touching.