Potah!
Social retard lang ang dating ko!
Ikatlong taon ko na sa eskwelahan na ito, isang exclusive school for boys. Bago dito galing ako sa isang coed na school. Ang laki ng kaibahan. Mas mahigipit at mas magulo kasi nga puros lalaki kami.
Simula nang pumasok ako dito, sa pinakadulong kaliwa ng classroom ako umuupo malapit sa bintana. Mas ayos ang ganitong puwesto 'di ka masyadong pansin ng titser.
Grade 7 na ako, wala pa rin na bago. Ang mga kaklase ay 'di nagbago. Sila pa rin ang mga kasama ko simula noong nag-aral ako dito. Kaya ang ng bu-bully sa akin ay 'yun pa rin magkakatropa simula Grade 5.
Ayaw ko sa eskwelahan. Ang pinaka ayaw ay homeroom period. Kasi dito may laya kaming gawin ang gusto namin. Kaya ang mga class bullies ay malaya rin pinagtritripan ako. Kahit nandiyan si Sir Ppp, ang homeroom adviser namin, pa-simple ang pangbu-bully na ginagawa ng tropa nina Aaa sa akin. Si Aaa, ang lider ng class bullies namin.
Bagaman maaga akong dumating ng school, ayon, pawisan akong nakaupo sa upuan ko. Eh, paano ba naman late si Sir Ppp, napagtripan naman akong gawin punching bag ni Aaa. Buti na lang nakatakas ako. Pero ang mga buwiset hinabol ako.
Pagbalik ko sa classroom nandoon na Sir Ppp. Ayon, pinagalitan ako. Sina Aaa at tropa niya ay nasa kani-kanilang upuan na. Hinabol nila ako kanina hanggang Admin building buti na lang mabilis akong tumakbo at 'di nila ako nabutan. Nagpalipas ako saglit sa gilid ng Chapel para makaiwas sa kanila kaya ayon late tuloy ako.
Pagkatapos ako pagalitan ni Sir Ppp, umupo na ako sa upuan ko at nakatingin si Aaa sa akin. Nagsalita siya pero walang tunog, pinagbantaan ako nahumanda raw ako mamaya sabay amba ng kanyang kamao.
Haist, tiyak 'di na naman ako makakain ng lunch kakaiwas sa tropa nila!
Ewan ko ba, nag-start yata ang pangbu-bully sa akin ni Aaa, after ng isang buwan nag-umpisa ang klase noong Grade 5 kami. Wala talaga akong maalalang atraso sa kanya.
Nakatingin ako sa labas ng bintana. 'Yan ang lagi kong gawi. Kung 'di ako nakatitig sa kawalan, nakahiga ang ulo ko sa armrest ng upuan pinamamasdan ang pader o 'di kaya natutulog.
Na-interrupt ang litanya ni Sir Ppp tungkol sa mga school announcements dahil may estudyante kumatok sa pinto.
"Excuse me Sir," bungad niya. "Sorry, I'm late. I got lost. I'm Jjj and I'm a new student for this class."
Napatingin ako sa harapan, siya 'yun kaninang tumawag sa akin. Hindi ko naintindihan kung bakit niya ako tinawag kasi nakita ko na malapit na ako maabutan nila Aaa kaya kumaripas ako ng takbo.
"Since it's your first day, I'll let your tardiness slide. Better not be late again." Sabi ni Sir Ppp. "You may take the vacant seat beside Xxx."
Pagkaupo sa upuan, humarap siya aking.
"So, we meet again." Sabi ni Jjj na nakangiti.
Tinignan ko lang siya at pagkatapos ay inihiga ko ang ulo ko sa armrest ng upuan ko paharap ng pader.
BINABASA MO ANG
Paglipad ni Astroboy (Flight of Astroboy) 🏳️🌈 [boyxboy] [completed]
ParanormalStatus: Completed Type: BoyxBoy A coming of age story. A boy named Xxx falls in love with another boy named Jjj. Funny, witty and touching.