- 18 -

147 8 0
                                    

Lunch time.

Sa gilid ng chapel ako madalas kumain ng lunch. Magandang taguan ito kasi 'di puntahan ng mga estudyante, maraming puno at halaman ang paligid.

Kakaumpisa ko pa lang kumain ng may narinig akong mga yabag na papalapit sa kinaroroonan ko. Sa taranta ko, 'di ko naligpit ang lunch box at mabilis akong nagpunta sa pinasulok ng chapel malapit sa pader na may drum. Sa likod nh drum ako nagtago.

"I know you are here." Boses ni Ccc 'yun.

Sinilip ko saglit at nakatalikod siya sa puwestong kinaroroonan ko at nakatayo siya sa tapat ng lunch box ko.

"Come out already and finish eating. I just need to talk to you, that's all."

Malaki ang takot ko kung paniniwalaan ko siya. Siguro kaya niya ako hinahanap dahil sa sinabi ko sa kanya noong Sabado.

Minsan kasi kulang sa break fluid ang bibig ko kung kaya ano-ano ang nasasabi ko na 'di ko pinag-iisipan mabuti.

Haist!

"Hmm... I guess you wouldn't mind if I eat your food since you are not hungry after all?" Sigaw ni Ccc. Pagkatapos ay umupo siya sa bench at kinuha ang isang drumstick ng chicken na baon ko.

"Hey!" Sigaw ko.

Nilingon ni Ccc kung saan galing ang boses ko. Tumayo ako at naglakad papunta sa tapat niya.

"Oh, there you are." Pang-aasar ni Ccc pagkatapos tuluyan kinain 'yon drumstick.

"How did you know where to find me?"

"I've always known. Our school is big but it's not that big." Inubos na niya ang drumstick at pagkatapos ininom pati ang Coke ko bago nagsalita muli. "I really don't know if Aaa is that stupid because until now he's so freaking clueless where your hiding place is. Or perhaps he's just pretending that he doesn't know"

Makahulugan ang sinabi ni Ccc pero ang focus ng atensyon ko kung bakit gusto niya akong makausap.

"What do you want? Is this about what I said last Saturday?"

"No."

"Then what?"

"You see, it's about Jjj."

"Huh?"

Ang labo!

"You don't know?"

".........."

Tinitigan niya ako ng mabuti at 'di ko talaga alam kung ano ang pinagsasabi niya.

Putik!

Ano ba meron sa araw na ito? Bakit cryptic magsalita ang mga tao sa eskwelahan na ito? Kaninang umaga 'yun mga dialogue sa pagitan ni Aaa at Jjj. Ngayon naman itong Ccc.

Haist!

Sumasakit ang ulo ko!

"Lemme put it this way. Jjj likes you. I'm not sure why but he does."

Anong pinagsasabi nito?

"Hey, I'm maybe yellow but I don't fucking swing that way!"

"Chill man! Did I say you are?" Tumayo si Ccc at hinawakan ang balikat ko. "You see, when my brother likes someone, he geniunely like that person no matter what."

"What Jjj is your brother?"

"Seriously, that's your take on what I said? What other plausible explanation could there be why I was there last Saturday unless we're related, duh?"

"Well... I can think of other reasons why.. ouch!"

Tengene!

Hinampas ako sa ulo ni Ccc.

"Stop being a smartass and listen!"

"........." Tumahimik na lang ako.

"Like what I said Jjj really likes you."

Blanko utak ko.

Naka-droga ba itong si Ccc? Anong ba talaga ang pinagsasabi nito 'di ko talaga maunawaan? Bakit binigyan niya ng emphasis ang mga salitang "really likes you"?

"Do you realize what you just said, right?"

"I know. I'm not an idiot. Still, he's my brother. So, please be good to him. Take care of him, okay?

"........." Speechless ako.

"Okay?"

Hinawakan niya ang mukha ko at pagtapos itinaas-baba para tumango ng pagsang-ayon sa sinabi niya. Pagkatapos nung tumalikod siya at nag-umpisang humakbang papalayo sa akin.

Nang makahakbang ng ilang beses nagsalita muli si Ccc. "Besides, I know you like my little brother too." Pagkatapos tumawa ng malakas.

"I... already told you that..."

"Yeah, yeah, yeah... I know, you don't swing that way, so you say!" Tapos tumawa muli.

Tae!

Tae!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Paglipad ni Astroboy (Flight of Astroboy) 🏳️🌈 [boyxboy] [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon