Tae!
Kinabukasan pagsakay ko ng school bus, lahat ng schoolmates ko nakatingin sa akin at nagbubulungan.
Haist!
Tae ng toro talaga!
Pinikit ko na lang ang aking mga mata at nagtulog-tulugan.
Pagdating ko sa school same scenario hanggang makarating ako sa classroom. So, dating gawi na lang. Ipatong ko ang ulo ko sa armrest ng upuan ko at tinitigan ang pader.
Maya maya pa'y nagsidatingan na ang iba ko pang kaklase isa na dito si Jjj.
"Xxx, can we talk?"
".........."
"I know you are awake. I just..."
Pero naputol ang sinasabi niya kasi dumating na si Sir Ppp.
Himala ang aga ni Sir Ppp! Thank you, Sir!
May binigay na seatwork si Sir Ppp sa class bago niya ako tawagin. Umalis kami ng classroom at nagpunta sa faculty room.
Haist!
Sir Ppp naman nandoon na pinuri kita sa pagligtas mo na 'di ako makausap ni Jjj tapos balak mo lang pala akong sermonan!
Pfft!
'Yun ang nasa isipan ko habang naglalakad kami ni Sir Ppp papuntang faculty room.
Si Sir Ppp siguro nasa mid-twenties na. Maputi, matipuno ang katawan, maayos pumorma, malinis tignan at brusko ang dating. Strikto siya at by the book sa pagsunod sa regulations ng school. 'Di naman terror sadyang strict lang na parang army officer ang dating. Besides sa pagiging homeroom adviser namin, siya rin ang may hawak ng science class ng buong 7th grade.
Sa faculty room, may ibang titser na abala sa kani-kanilang ginagawa. Dumiretso kami sa isang maliit na room na ang isang bahagi nito ay glass wall na may glass door kaya kita sa labas kung may tao sa loob.
Suki na ako dito since Grade 5 kasi nga madalas akong natutulog sa klase o 'di kaya nagka-cut class.
Pagkaupo ko sa silya sinardo ni Sir Ppp ang pinto.
"How are you doin?"
"Okay, I guess."
"What happened to you yesterday?"
".........."
"Look Xxx. I maybe strict and seem indifferent in class but I am not dumb."
Nagbuntong-hininga si Sir Ppp bago ito umupo sa upuan sa tapat ko. Napapagitnaan kami ng mesa.
"I know things are not going well for you. Aaa and his mates are still bullying you but you refuse to file a complain. And, now this with Jjj."
Nakatingin lang ako kay Sir Ppp. Routine na ito sa akin kaya sana na akong magtanga-tanga na kunwari 'di ko alam ang sinasabi niya.
"Xxx, I don't care about the rumors between you and Jjj. In fact, it's none of my business what kind relationship you two have. My concern is things are going to be worse for you with all these rumors flying around. Do you get what I am trying to say?"
".........."
"My point is I am always here if you need any help. Okay?"
Tinignan ko lang si Sir Ppp na walang kahit anong expression sa mukha ko.
"Still, I can't let it slide when you skip the audition period yesterday. It is still considered as cutting class. So, for you punishment, every homeroom period, you have to help organize things in the library for a whole week starting this coming Monday, understand?"
"Yes, Sir."
"You may go now."
Hawak ko na ang door handle nang nagsalita muli si Sir Ppp.
"One more thing, Xxx. I know you're maybe confused right now. Give it time and just be true to what your true feelings are."
May ganoon pang statement talaga?
Dafaq!
BINABASA MO ANG
Paglipad ni Astroboy (Flight of Astroboy) 🏳️🌈 [boyxboy] [completed]
ParanormalStatus: Completed Type: BoyxBoy A coming of age story. A boy named Xxx falls in love with another boy named Jjj. Funny, witty and touching.