Sa parking lot ng school naghihintay na ang drayber ni Jjj. Tumakbo si Manong papapunta sa amin at tinulungan ang kanyang binatilyong amo sa pag-akay sa akin.
Isasakay na nila ako sa kotse pero pinigilan ko sila.
"No."
Mukhang nahululaan ni Jjj bakit ayaw kong sumasakay sa kotse niya.
"Your ride left awhile ago. So, you have no choice. Get in the car and let me take you home."
Dahil sa pagod at sakit ng katawan wala na akong panahon makipagtalo pa kay Jjj. Ayaw ko man, pero tama nga siya. Wala na school bus ko at mahirap ng makakuha ng taxi during rush hour lalo na sa kondisyon ko.
Pagkaupo ko sa loob ng kotse tumabi sa akin si Jjj.
"'Wait!" Sabi ko noong isasara na niya ang pinto. "My bag."
"I have it already."
Ewan ko pero napangiti na lang ako. Tapos sumandal ako sa upuan. 'Di ko namalayan nakatulog na pala ako.
Nagising ako at 'di ko alam kung nasaan ako. Malaki at maganda ang kuwarto. Pinilit kong tumayo mula sa pagkakahiga sa malaking kama pero sadyang nanghihina ako at tila nilalagnat. Masakit pa rin ang buong katawan ko. Pangalawang attempt kung bumangon sa kama sakto naman dumating ni Jjj.
"Hey, you better lay still. You have a fever!"
"Nasaan ako?"
"You are in my room."
"Puwede bang managalog ka nga wala na tayo sa school."
"Okay. Dito na kita dinala sa bahay ko kasi nag-pass out ka pagkasakay mo ng kotse kanina. Eh, hindi mo naman nasabi sa akin kung saan ka nakatira."
"Ah, ganoon ba." Pinilit kong tumayo pero nabuwal ako at nahulog sa sahig.
Tumalon si Jjj sa kama, tinulungan niya ako tumayo at inupo sa kama.
"Kailangan kong umuwi. Si Mama baka nagwo-worry na."
"Tumawag na ako sa inyo."
"Paano mo nalaman number namin sa bahay?"
"You're so silly. It is printed at the back of our IDs, duh!"
"Ah, oo nga man." Sarcastic kong tugon.
"Anyways, maid ninyo ang nakasagot. Wala pa raw ang Mama mo. Nagbiling na lang ako sa kanya na patawagin ang Mama mo dito pagdating niya. Sinabi ko you'll be staying here over the weekend kasi may project tayong tatapusin."
"Ha? 'Di puwede. Papagalitan ako ni Mama. Ayaw niyang nakikitulog ako sa bahay ng ibang tao."
Ang totoo mas ikakatuwa pa ni Mama malaman na mayroon na akong kaibigan pero nagdadahilan lang ako kay Jjj para 'di na siya magpumilit na matulog ako sa bahay niya.
"Would you rather explain to your Mom how you got your bruises than stay here until you get better? That would be a big problem especially if she goes to our school and report this, don't you think?"
"Litek! Sabing managalog ka eh!"
Putik!
May point itong kumag na ito. Paano ko nga ii-explain kay Mama ang mga pasa ko.
"Eh, pagkatapos ng weekend, sa tingin mo ba 'di niya mapapansin itong mga galos at pasa ko!"
"Naisip ko na 'yan. If you stay here over the weekend puwede mong sabihin na nagbreak tayo sa paggawa ng project natin at nag-bike tayo. Tapos sumemplang ka sa bike kaya ka nagkasugat sa noo at labi. 'Yun pasa mo sa tiyan at balakang 'di na niya mapapansin 'yon unless you walk around your house shirtless."
"Dami mong alam!" Irita kong sagot.
Tengene! Wala akong mailusot dito sa kumag na ito.
"Eh... paano..."
"Oh, shut up already, Xxx! You are staying here and that's that! The least you can say is thank you."
Potah itong kumag na ito pinagtaasan ako ng boses ah!
"Eh, pinilit ba kitang dalhin mo ako dito?"
"Whatever. Just rest and I'll bring you something to eat so you can drink medicine for your fever and body pain, okay?"
Tumango na ako lang.
BINABASA MO ANG
Paglipad ni Astroboy (Flight of Astroboy) 🏳️🌈 [boyxboy] [completed]
ParanormalStatus: Completed Type: BoyxBoy A coming of age story. A boy named Xxx falls in love with another boy named Jjj. Funny, witty and touching.