- 22 -

122 6 0
                                    

After lunch, P.E. class namin.

Nakalimutan ko ang swimming trunks ko. Habang nasisipasukan ang mga kaklase ko sa shower room, pinapagalitan ako ni Coach Hhh sa labas. Nakatalikod si Coach kaya 'di niya pansin na nag-aaway si Jjj at Aaa sa kabilang dulo ng pool area. Naging physical ang away nilang dalawa at naitulak ni Aaa si Jjj sa pool.

"Aaa, 'di marunong lumangoy si Jjj!" Sigaw ko.

Standard Olympic size ang pool ng school namin. 'Di ko alam kung narinig ako ni Aaa kasi nasa magkabilang dulo kami.

Si Aaa parang na-shock sa nangyari at 'di kumikilos sa kinaroroonan niya. Tumakbo ako nang mabilis at nang malapit na ako kay Aaa at saka ako tumalon sa tubig para iligtas si Jjj.

Pag-ahon ko kasama ko na si Jjj pero unconscious. Nakita ko Coach nasa gilid na pool inaabot ang kanyang kamay sa aking para tulungan akong mai-ahon si Jjj sa pool.

Paglapag ni Coach kay Jjj sa sahid nakaahon na ako sa tubig at lumuhod ako sa gilid ni Coach na pine-perform na ang CPR. Nagkamalay na rin si Jjj after several attempts in Coach na-revive siya.

Nakita kong papalapit si Aaa, napatayo ako bigla at sinapak ko ang mukha niya. Hindi pumalag si Aaa at inawat ako ni Coach ng sasapakin ko muli si Aaa.

"Enough, Xxx! Bring Jjj to the clinic now!" Galit na utos ni Coach.

Nasa loob na kami ni Jjj sa isang make-shift-room ng clinic. Katatapos lang i-check ng nars ang kalagayan ni Jjj at ayos na naman daw si Jjj. Nagpaalam ang nars na kukuha lang ng extra PE uniform sa Admin office para makapagpalit si Jjj ng damit. Inisara niya ang tabing bago siya umalis at iniwan kaming dalawa ni Jjj.

"Thank you." Sabi niya nang umupo ako sa tabi niya at bigla ko siyang niyakap.

Sa aking pagkakayakap ko sa kanya doon ko naisip na muntik na siyang mamatay at dahil doon napaiyak ako.

"We touched and we felt more beautiful,"

At niyakap niya rin ako.

"And two hands reachin' out
Filled with so much longing;"

Ewan ko ba, at that moment, 'di na namin kailangan mag-usap pa para malaman ang nararamdaman ng bawat isa. Wala na rin akong pakialam kung may makita sa amin o kung ano man ang inisipin nila. Ang importante sa akin ligtas na si Jjj.

"It felt good inside,
There is no denying I'm in love."

Hinalikan niya ako sa noo habang pinatatahan ako.

"So it's you I've been waiting for so long,
So it's you, where were you all along?
Very special moments, these will always be with me,
We are here, you and I, we belong."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Paglipad ni Astroboy (Flight of Astroboy) 🏳️🌈 [boyxboy] [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon