Siguro iniisip mo, ano ba ang nakakaiiyak kung makita ko ang sarili ko noong bata pa ako? Wala siguro para sa 'yo?
Sa akin meron!
Ang tagpo na ito ay ang mga huling sandali ng aking ka-inosentehan.
Walong taon ako ng balutin ng dilim ang aking mundo. Akala ko noon ang mundo isang malaking playground at lahat ng taong makakalaro mo ay mababait.
Masaya 'di ba?
Tanga! Isang malaking katangahan!
Dahil sa isang lollipop nabasag ang aking kamusmusan!
Pagkatapos kong manood ng Astroboy, naglaro ako sa bakuran ng aming bahay. Malipas ng ilang oras, nakita ako ng kinakapatid ko nasa itaas ng puno ng bayabas. Tinawag niya ako at pinababa sa puno.
Sabi ko ayaw ko. Pero sabi niya pag 'di raw ako baba, isusumbong daw niya ako sa nanay ko.
Sino ba naman ang gustong mapagalitan ng magulang lalo na kung may kasamang palo? Wala di ba?
Kaya bumaba ako sa puno. Pero, pinagbantaan ko ang kinakapatid ko na huwag na huwag na siyang pupunta sa bahay namin kasi galit na ako sa kanya habang buhay kasi sumbungero siya. Sabay labas dila at padabog akong naglakad papalayo.
Bata isip talaga ang acting, 'di ba?
Noong hapon nasa bakuran naman ako at naglalaro at napadaan na naman ang sumbungero kong kinakapatid. Ewan ko saan galing. Basta ang hilig niyang dumaan sa harap ng bahay naman.
Sumitsit siya. Narinig ko pero 'di ko ugaling lumingon pag may sumisitsit sa akin. 'Di naman ako aso para sitsitan. Nayamot yata kaya tinawag ang pangalan ko.
"Xxx, Galit ka pa?"
Tinitigan ko lang siya ng masama pagkatapos balik ako sa paglalaro ng kotse-kotsehan.
"Uy, bati na tayo. Sige ka hindi na kita papasalubungan ng lollipop, kendi at paboritong mong Bazooka."
Tahimik lang ako.
"Ayaw mo talaga akong kausapin? Sayang naman ang lollipop na ito. Hmm... sarap-sarap!"
Tinignan ko siya at isinubo niya ang lollipop.
"Akala ko ba para sa akin 'yan lollipop? Bakit mo kinain?"
"Gusto mo ba talaga ng lollipop?"
"Oo."
"Bibigyan kita pero bati na tayo ha?"
"Oo na! Asan na ang lollipop ko?"
"Sa bahay namin marami, tara."
"Bawal akong lumabas papagalitan ako ni Mama."
"Pagpapaalam kita kay Ninang malakas ako doon. Paboritong inaanak yata ako ng Mama mo."
BINABASA MO ANG
Paglipad ni Astroboy (Flight of Astroboy) 🏳️🌈 [boyxboy] [completed]
ParanormalStatus: Completed Type: BoyxBoy A coming of age story. A boy named Xxx falls in love with another boy named Jjj. Funny, witty and touching.