- 27 -

110 7 0
                                        

"Smile... tomorrow will be worse." - The Murphy philosophy.

Tumayo ako at iniwan si Mama na umiiyak sa salas. Lumabas ako ng bahay at naglalakad ako na hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala na ako sa aking sarili.

Kakalakad ko umabot ako sa parke ng subdivision. Nag-ilaw ang poste sa may parke.

Gulong-gulo ang isipan ko. Akala ko lahat na nangyari ay kaya kong ibaon sa limot. Ngunit mali ako.

Parang gustong mamatay noong mga oras na 'yun. Dahil sa aking pananahimik marami pang ibang na biktima ang demonyong halimaw na 'yun.

Putang-ina!

Ang laki ng kasalanan ko! Dahil sa duwagan ko, ang dami pang buhay ang nasira!

"Xxx, pwede ba tayong mag-usap?"

Nagulat ako. Paglingon ko, si Aaa pala ang taong nagsalita.

"Paano mo na lamang nandito ako? Anong kailangan mo sa akin?"

"Kanina pa kita sinusundan simula ng lumabas ka sa bahay ninyo. Last summer ko pa alam kung saan ka natira. Galing ka noon ng Greenhills kaya sinundan kita pauwi na 'di mo napapansin?"

"Ano ito pati pa ba sa lugar namin gusto mo akong i-bully, Aaa?!"

"Hindi." Nagbuntong-hininga si Aaa. "Hindi 'yun ang pakay ko."

"Please leave me alone, Aaa. I don't have time to deal with you right now!"

"Hear me out. Nandito ako para mag-apologize sa lahat ng ginawa ko sa iyo."

Stunned!

"Fuck you Aaa! Bakit sa tingin mo ganoon lang kadali ang lahat?"

".........." Tahimik lang si Aaa.

"Bakit? Paki-explain nga kung bakit ang init ng dugo mo sa akin?"

Hindi makapagsalita si Aaa. Matapos ng ilang segundo, naglakad na ako paalis ng park nang hawakan niya ang kamay.

"Kaya ko nagawa ang mga 'yun kasi 'di ko maamin sa sarili ko na gusto kita. Nagagalit ako sa 'yo dahil sa nararamdaman ko para sa 'yo. Pero nang dumating si Jjj 'di ko na mapigilan ang nararamdaman ko para 'yo. Kinausap ko si Jjj na layuan ka pero 'di niya ginawa. Aksidente lang talaga noong nahulog siya sa pool. Nagtatalo ko kami dahil sa 'yo."

"Bullshit naman!" Sabi ko. Pagkaharap ko sa kanya sabay sapak sa mukha niya.

Natumba si Aaa at napaupo sa lupa.

"Stay away from me! 'Di ko kailan ang taong tulad mo!"

"Xxx, please patawarin mo na ako! 'Di ko sinasadya ang lahat."

Parang may kung ano ang sumanib sa akin at 'di ko na napigilan ang galit ko. Pinagsisipa ko si Aaa. 'Di pa ako nakuntento, binatan ko ang mukha niya ng paulit-ulit hanggang magdugo ang nguso niya. Habang sinasapak ko siya, 'di nanlaban si Aaa.

Nang niyakap ako ni Aaa para pigilan ang galit ko, doon ko lang na-realize ang ginawa ko. Tumayo ako at tumakbo ng mabilis palayo sa parke at iniwan si Aaa na nakahandusay sa lupa at duguan.

Pag-uwi ko, dumiretso ako sa kwarto at nagkandado ng pinto. Humangos ako. Lahat nang galit ko sa taong sumira sa pagkatao ay nabuhos ko kay Aaa.

 Lahat nang galit ko sa taong sumira sa pagkatao ay nabuhos ko kay Aaa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Paglipad ni Astroboy (Flight of Astroboy) 🏳️🌈 [boyxboy] [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon