- 3 -

355 13 1
                                    

'Di ko alam kung OBB nga ito. Malay ko ba. First time kong naranasan ito. Malay ko ba kung nanaginip lang ako parang 'yun sa palabas na Inception. 'Yun nanaginip ka sa loob pa ng isa pang panaginip. Hindi ko talaga alam. Ang alam ko lang ngayon ay takot na takot na ako.

Pinipilit kong ginigising ang aking sarili kung talagang panaginip nga lang ito. Sinampal-sampal ko ang aking mga pisngi ng makailang ulit pero walang epekto. Nasa koridor pa rin ako sa labas ng OR. 'Di ko na alam ang gagawin. Tumingin ako sa bandang kanan at pader lang ang nakita ko. Binaling ko ang aking tingin sa kaliwa, madilim naman ang kahabaan ng koridor.

Ayaw kong bumalik sa loob ng OR. Naduduwag ako makita muli ang utak ko na nakabuyangyang habang kinakalikot ng doktor.

May choice pa ako ba?

Bagaman nakakatakot ang kahabaan ng madilim na koridor, nagtapang-tapangan na lang ako. Ang alam ko lang kailangan kong makalayo sa lugar na ito.

Nang malapit na ako sa dulo, naaninagan ko na may liwanag na nagmumula sa pakanan ng koridor. Kinabog na naman ang dibdib ko.

Ayon sa mga kwento, kapag daw ang isang tao ay nasa bingit ng kamatayan may makikita raw siyang liwanag. "Walk into the light." 'Yan ang madalas kong marinig sabihin ng mga psychics sa mga palabas na tungkol sa paranormal at usaping tungkol sa kamatayan.

Paano naman nila nalaman na may makikitang liwanag ang taong namayapa? Sigurado ba sila na dapat maglakad papunta sa liwanag ang taong namatay? Namatay na ba sila at nabuhay muli para magbigay ng ganitong pahayag tungkol sa kung ano ang makikita ng tao pag siya'y namatay at kung ano ang dapat niyang gawin?

Napatigil ako sa paglalakad.

Eh, paano nga kung tama ang mga psychics? Ibig bang sabihin nito hindi ako nanaginip? 'Di rin OBB ang lahat? Patay na nga ba talaga ako kasi may nakikita akong liwanag?

Ayaw ko ng humakbang muli. Natatakot ako baka tama nga sila.

Biglang nabasag ang katahimikan. Narinig ko ang isang pamilyar na kanta.

"Soaring high in the sky,"

Napatakbo ako bigla kung nasaan ang liwanag kasi doon nanggagaling ang tunog ng kanta.

"He may be small but only in size."

Potah!

"Astroboy, Astroboy."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Paglipad ni Astroboy (Flight of Astroboy) 🏳️🌈 [boyxboy] [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon