- 12 -

155 7 0
                                    

Tae!

Parang akong bata sinubuan pa ako nitong kumag na ito ng mainit na sopas. 'Di ko naman maubos. Hindi sa 'di masarap 'yon pinapakain akin pero talagang masakit pa rin ang tiyan ko, nanghihina talaga ako at walang ganang kumain. Buti na lang 'di na nagpumilit si Jjj na ubusin ko ang pagkain na dinala niya para sa akin.

Matapos kumain pinainom niya ako ng Advil.

"Asan ang uniform ko?"

"Pinalabhan ko na. Ang dumi kasi puros pawis at may mantiya ng dugo."

"Sino ang nagpalit sa akin?"

Potah!

Ang kumag kinindatan ako sabay tawa.

"'Tangna! 'Di nga?"

"Ang dungis-dungis mo ayaw ko nga madumihan ang kama ko. Kaya hinilamusan ko buong katawan mo at pinalitan ng damit."

"Putik!"

"'Wag kang mag-alala wala naman akong nakita. As in wala! Dapat pa yatang gamitan ng magnifying glass para makita ang sa 'yo!"

Tapos tumawa uli si Jjj ng malakas. Binato ko ng unan ang kumag. Ayon, sapol sa mukha. Ako naman ang tumawa ng malakas.

"Pasalamat ka may sakit ka. Gusto mong dagdagan ko pa ang pasa mo sa katawan?" Pang-aasar na sabi ni Jjj.

"Sige! Sanay na ako!" Galit kong sabi.

Tumahimik si Jjj. Nakuha niya na 'di nakakatawa ang biro niya.

"Hey, I'm sorry. I didn't mean it."

Tahimik lang ako at humiga sa kama patalikod sa kanya. Inilabas na lang niya ang pinagkainan ko. 'Di ko na namalayan ang pagbalik niya sa kwarto dahil nakatulog muli ako.

'Di ko alam kung anong oras ako muling nagising pero nangangatog ang buong katawan ko. Siguro dahil sa may sakit ako. Makalipas ng ilang sandali naramdaman may nag-ayos ng kumot na gamit ko at kinumutan ako hanggang leeg ko. Nakatalikod ako kaya 'di ko na nilingon kung sino 'yun. Siguro akong si Jjj 'yon kasi kuwarto niya ito.

"Would you like me to lower the temperature of the AC?" Tanong niya.

'Di ko sinagot ang tanong niya. Nahihiya na ako dahil sobrang pang-aabala na itong ginagawa ko sa kanya.

Wala sa sino man sa mga kaklase ko sa nakalipas ng tatlong taon sa pesteng eskwelahan namin na naging concern sa akin tuwing binubugbog ako ng tropa nina Aaa. Si Jjj lang ang taong tumulong sa akin.

Noong 'di ako sumagot, bigla na lang akong niyakap ni Jjj mula sa aking likuran. Una'y asiwa ako kaya pinilit kong inaalis ang pagkakayap niya sa akin.

"You don't want me to lower the temperature of the AC. Then, lemme do this instead to keep you warm."

Awkward!

"Thank you." Mahinang tugon ko makalipas ng ilang sandali.

'Di na siya sumagot bagkus mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin.

Ramdam ko sa likod ko ang tibok ng puso niya. Tila ba sumasabay ito sa pagpintig ng puso ko.

 Tila ba sumasabay ito sa pagpintig ng puso ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Paglipad ni Astroboy (Flight of Astroboy) 🏳️🌈 [boyxboy] [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon