- 15 -

136 7 0
                                    

Mga palusot ko!

Pagkauwi ko galing sa bahay nina Jjj, nagulat si Mama kung bakit ang aga kong umuwi. Sinabi ko na lang madali namin na tapos ang project namin at nagpasiya na akong umuwi kasi masama pakiramdam ko.

Napansin ni Mama ang sugat ko sa noo at labi pero tinanggap niya ang alibi ko na sumengplang ako sa bisekleta kaya may sugat at mga galos ako.

Pina-merienda muna ako ni Mama bago ako pinainom ng gamot para sa lagnat. Bago siya umalis papunta sa event niya nung gabi binisita niya ako sa kwarto ko at tinignan ang kalagayan ko.

"I think I better not go to the class reunion," wika ni Mama pagkatapos kunin ang temperature ko.

"No, it's your class reunion and you've worked so hard organizing it. I'll be okay. Nandiyan naman si Yaya, eh." Sabi ko. "Besides, Mama 'di na ako baby. I can take care of myself."

"You're always be Mama's baby." Sabi ni Mama.

Hala! Embarassing!

Kahit kami lang ni Mama sa kwarto ko. I can't helped but feel embarassed pero at the same time gumaang ang loob ko knowing how much she loves me.

Hinalikan ako ni Mama sa noo. Sakto naman dating ni Yaya na may tray ng food. Binilin ni Mama kay Yaya kung anong oras ako paiinumin muli ng gamot. Pagkatapos ay lumabas na si Mama ng kwarto ko.

"Xxx, may tumawag sa 'yo." Sabi ni Yaya pagkalapag ng tray.

"Ha? Sino?"

"Kaklase mo raw si Jjj. Ilang beses na nga tumatawag, eh."

"Bakit daw?"

"Ewan ko. Una, tinanong kung nakauwi ka na raw."

"Eh ano sabi mo?"

"Sabi ko oo. Eh, gusto kang makausap. Sabi ko 'di puwede kasi natutulog ka at nilalagnat."

Bigla nag-ring ang telepono sa kwarto ko kasi may entension ako ng main line.

"Yaya, kung para sa akin sabihin mo tulog pa."

Malakas ang kutob ko para sa akin ang tawag at na si Jjj 'yun nasa kabilang. Eh, wala naman ibang tao nakakaalam ng number ko sa bahay kung 'di siya lang. At saka wala naman akong kaibigan para may tumawag sa akin.

Wala akong lakas ng loob para kausapin si Jjj after nang kapalpakan na ginawa ko sa kanya.

Sinagot ni Yaya ang telepono at ginawa nga ang bilin ko. Pagkababa ng phone sinabi ni Yaya na si Jjj uli 'yun tumawag.

"Basta Yaya pag tumawag pa ulit si Jjj same lang sasabihin mo ha?"

Tumango lang si Yaya.

"Yaya, paki-alis muna 'yun cable sa phone para 'di na ako maistorbo."

Ginawa nga niya bago siya lumabas ng kwarto ko.

'Di mawaglit sa isip ko ang pagyakap ni Jjj at pag-iyak niya noong nasa pool area kami. Parang may kirot sa puso ko na 'di mawari.

 Parang may kirot sa puso ko na 'di mawari

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Paglipad ni Astroboy (Flight of Astroboy) 🏳️🌈 [boyxboy] [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon