- 10 -

167 9 0
                                        

Ang sakit!

Mukhang napuruhan yata ako?!

Putik!

Hindi ako nakaligtas. Nahuli ako nila Aaa at ayon pinagpiyestahan nila ang tiyan ko ng kanilang mga suntok. Buti na lang Biyernes at Club period after ng lunch. Puwede akong 'di umattend.

Nasa isang sulok ako ng library kung saan bihirang puntahan ng mga estudyante. Dito ako magpapalipas ng oras hanggang dismissal. Ayaw ko magpunta ng clinic, tiyak tatanungin ako ng nars kung ano ang nangyari. Ayaw ko ng mahaba usapan at tiyak ire-report niya ito sa Principal. Malaking gulo 'yun pag nagkataon. Mas lalo akong pag-iinitan ng tropa nina Aaa.

Nakaupo ako sa sahig habang ang likod ko nakasandal sa pader. Hawak-hawak ang tiyan ko at namamalipit ako sa sakit. Hindi ko maiwasan pumatak ang luha sa aking mga mata.

Pero ayos lang. Nakaranas na ako ng mas masahol pa dito. Kaya tinitiis ko na lang. Sa mga ganitong pagkakataon si Astroboy na lang ang iniisip ko.

Balang-araw makakaganti rin ako!

Naka-iglip pala ako ng 'di ko namamalayan. Nagising na lang ako ng may maramdaman akong hapdi sa aking noo.

"What the fuck are you doin', man?" Medyo napalakas ang boses ko.

Sumenyas si Jjj na tumahimik ako gamit ang kanyang hintuturo na nakalapat sa kanyang labi. Nakaluhod siya sa aking harapan at pinagpatuloy ang pagdampi ng bulak ng may alcohol sa aking noo.

"Aray!"

"Be quiet!" Mahina pero matigas ang boses niya. "You have a nasty cut on your forehead and lower lip."

'Tangna!

Sa sobrang tindin ng pagtira nila Aaa sa aking sikmura, 'di ko naramdaman na nasugatan din pala ang noo at labi ko. Sigurado akong nakuha ko ito noong tinadyakan ako ni Aab sa likod at lumanding ang mukha ko sa semento.

Tatabigin ko sana ang kamay ni Jjj pero maagap niya nahawak ang wrist ko.

"Quit being too proud to accept my help. I'm almost done here!"

Mahigpit ang hawak ni Jjj sa wrist ko. Tinitigan ko siya ng masama at ang kumag ayaw magpatalo, nakipagtitigan din. Matapos ng ilang segundo 'di na ako nanlaban. Binitawan ni Jjj ang wrist ko at patuloy na ginamot ang aking mga sugat. Habang ginagawa niya 'yun, 'di ako makatingin sa kanya kaya sa pader ko binaling ang aking tingin.

Matapos niyang lagyan ng band-aid ang noo ko, sinubukan kong tumayo pero talagang masakit ang tiyan at likod ko sa bugbog na aking natamo. Inilagay agad ni Jjj ang kaliwang braso ko sa kanyang balikat palibot ng kanyang leeg habang ang kanang braso naman niya'y sinuportahan ang aking likod.

 Inilagay agad ni Jjj ang kaliwang braso ko sa kanyang balikat palibot ng kanyang leeg habang ang kanang braso naman niya'y sinuportahan ang aking likod

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Paglipad ni Astroboy (Flight of Astroboy) 🏳️🌈 [boyxboy] [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon