Pasikat palang ang araw nang sinundo ako nila Jjj. Si Ccc ang nagda-drive ng L-300 van. Kasama namin 'yun limang ka-varsity ni Ccc sa basketball.
Sa pinakahuling upuan ng van kami ni Jjj umupo. Nang umandar na ang van, hinawakan ni Jjj ang kaliwa kong kamay at ikinulong sa kanyang kanan kamay.
"Come hold my hand
It's just a matter of time"Tignan ko siya at nginitian lang niya ako.
"We've taken that step
Now our hearts and minds do rhyme"Ipinatong niya ang kanyang ulo sa kaliwa kong balikat. Tinignan ko siya muli at nakapikit na ang kanyang mga mata.
"The seasons we left behind
Dark and empty, cold and alone
Reasons so plenty, sins to atone."Binitawan ko ang kanyang kamay at tumingin siya sa akin na ang kanyang mga mata ay nagtatanong kung bakit ko binitawan ang kanyang kamay.
Ngumiti lang ako at inilagay ko ang kaliwang bisig ko palibot ng kanyang leeg. Isinandal muli ang ulo niya sa aking balikat at hinawakan ko ang kanyang kanang kamay. Pagkatapos ipinatong ko ang ulo sa ulo niya at pinikit ang aking mga mata.
"Live and be
Love will set us free
Hearts that see and feel
Love will make us real
Live and let it be
Love will set us free
Hearts that see and feel
Love will make us real.""Wake up lovebirds."
'Yan ang sinabi ni Ccc nang imulat ko ang akin mga mata. Siya at ang mga ka-tropa niya sa basketball ay nakamasid sa aming dalawa ni Jjj at lahat sila ay nakangisi.
"Huh?" Disoriented pa ako kasi inaantok pa ako.
"We're here."
Tignan ko si Jjj sa tabi ko pagkatapos doon ko lang naalala na yakap ko siya at hawak ang kanyang kamay. Napatingin ako kay Ccc muli at parang bigla akong natauhan na kapatid niya ang yakap-yakap ko. Bigla akong nahiya at inalis ko ang aking braso sa leeg ni Jjj at binitiwan ang kamay ni Jjj.
Tumawa ng malakas si Ccc at ang barkada niya dahil sa reaksyon ko. Nagising si Jjj kasi bigla kong inalis ang ulo niys sa balikat ko.
"Hey! What's happening?" Sabi ni Jjj na pupungas-pungas pa.
"I think your boyfriend is embarass because we caught you guys snuggling." Banat ni Ccc na tumatawa pa rin.
"We're not snuggling... we fell asleep." Defensive kong sagot.
"Yeah right! Come on guys let's settle in." Sabi ni Ccc sa tropa niya at isa-isa silang lumabas ng van.
"You're so cute everytime you turn red." Sabi ni Jjj noong kaming dalawa na lang ang naiwan.
'Di ko siya pinansin instead tumagilid ako para abutin ang bag ko sa likuran ng upuan namin. Pagkaabot ko ng bag ko, tumambad ang mukha ni Jjj sa harapan ko. A few centimeters lang ang layo ng aming mga labi sa bawat isa.
Smack!
Naka-isa ang kumag, ah!
Tinuka ni Jjj ang labi ko pagkatapos ay tumawa ng malakas at mabilis lumabas ng van. Hinabol ko siya at pinalo ko ang ulo niya noong maabutan ko siya. Nagtawanan kami at inakbay niya ako habang naglalakad kami papasok ng resthouse nila.
BINABASA MO ANG
Paglipad ni Astroboy (Flight of Astroboy) 🏳️🌈 [boyxboy] [completed]
ParanormalStatus: Completed Type: BoyxBoy A coming of age story. A boy named Xxx falls in love with another boy named Jjj. Funny, witty and touching.