Kinagabihan nilagnat ako.
Nakita ni Mama may pasa ako sa beywang at bukol sa ulo. Napansin din niya na iika-ika ang paglalakad ko. Unang kong kasinungaling sa buong buhay ko, nahulog ako sa puno ng bayabas kaya may pasa ako sa beywang, bukol sa ulo at iika-ika maglakad.
Mula rin noong araw na 'yun hindi na rin ako lumalabas ng bahay at nakikihalubilo sa ibang tao maliban kung papasok ako ng school o kasama si Mama.
Ilan araw din ako hindi nakapasok dahil sa lagnat at pananakit ng katawan.
Doon ko naisip kung ako lang si Astroboy 'di niya ako magagalaw. Gagamitin ko ang 100K horsepower kong lakas para labanan siya. Gagamitin ko ang laser beam sa aking mga mata para sunugin ang katawan niya. O 'di kaya ang panira ko sa puwetan para tadtarin siya ng bala.
Kung ako lang si Astroboy wala akong mararamdaman na sakit o anuman dahil robot ako.
Tama?
Hindi ako makaramdam ng pagkamuhi... pagkalungkot... pagkasuklam sa sarili ko.
Ang dumi-dumi ko!
'Tangna lollipop!
Putang-inang pagtitiwala sa kapwa!
Bago matapos ang taon na 'yun lumipat na kami ni Mama ng tirahan. Pero baon ko pa rin ang dilim na bumalot sa pagkatao ko at ang masidhing paghihiganti na tumubo sa puso ko.
Balang araw makakaganti rin ako!
"Stronger than all the rest,
this mighty robot will pass the test,
Oh villians fear him, so we cheer him,
The amazing Astroboy!"Napatingin ako sa telebisyon panibagong episode na pala ni Astroboy. Pero nawala na ang batang ako sa harapan ng telebisyon.
Asan na kaya siya?
Iginala ko ang aking mga mata sa loob ng silid. Tanging apat na pader lang ang nakita ko at walang ibang lagusan.
Tumalikod ako at noong pahakbang na ako.
"Hey."
Napatigil ako. 'Di ako sigurado kung tama nga ang narinig ko para akong estatwa na 'di makagalaw.
"Hey you."
Mas lumakas ang boses ng binatilyo. Pamilyar ang boses na 'yun.
"Me?" Sagot ko.
"Of course you silly. Do you see anyone else here?"
Pagharap ko, tama nga hinala ko si Jjj ang tumatawag sa akin. Nasa hallway kami papasok ng Admin building.
"I'm Jjj. I'm new here and I think I'm lost. Could you please tell where C-7 is located at?" May hawak siyang papel at doon naka-drawing ang map ng buong campus.
Bumalik sa alaala ko ang eksena na ito. Ito ang unang pagkakataon ko nakilala si Jjj.
Hahakbang na ako papalit sa kanya ng biglang sumigaw si Jjj. "Hey, where are you going?"
Paglingon ko nakita ko ang dose anyos kong sarili kumakaripas ng takbo papalayo.
"Thanks man! Freak!" Sunod na sigaw ni Jjj.
Mukhang gago lang ako nung araw na 'yun. Ang ginawa ko lang ay tinignan ko ang mukha ni Jjj, tapos 'yun papel na nahawak niya, binalik ko ang akin tingin sa mukha niya at pagtapos para tanga kumaripas ng tumakbo papalayo.
Ampotah timang lang!
BINABASA MO ANG
Paglipad ni Astroboy (Flight of Astroboy) 🏳️🌈 [boyxboy] [completed]
خارق للطبيعةStatus: Completed Type: BoyxBoy A coming of age story. A boy named Xxx falls in love with another boy named Jjj. Funny, witty and touching.