Dekada '80 nang mauso si Astroboy dito sa Pilipinas. Sa RPN Channel 9 ito unang pinalabas. Ito ay galing sa isang manga series bago ito naging isang anime. Maraming mitolohiya si Astroboy.
i-Wikipedia mo na lang nakakatamad ikuwento lahat dito!
Sa bersyon noong 1980s, si Astroboy ay isang batang robot na ginawa ng isang scientist upang maging kapalit ng kanyang anak na namatay sa isang car accident.
Hanep ang dami niyang powers! Pero ang mas adik, may panira siya sa magkabila pigi ng kanyang puwet. Sa dami-daming parte ng katawan sa pigi pa talaga puwet nilagay ang kanyang panira. (Actually sa hips 'yun. Pero nung bata ako, akala ko sa pigi ng puwet.)
Ang kulit lang talaga!
Halos mapaluha ako sa kakatawa noong makita ko na ang liwanag na kinatatakutan ko ay mula lang pala sa isang telebisyon na Astroboy ang palabas.
Nang mga sandaling 'yun nawala sa isipan ko ang pangamba kung buhay pa ba ako at nananaginip lang, kung OBB ba ang lahat o kung patay na nga ba ako. Wala na akong pakialam. Ang alam ko lang nakakatawa ang lahat.
Natigil lang ako sa kakatawa nang mapansin ko may batang lalaki palang nakaupo sa sahig sa harapan ng TV. Bagaman na katalikod ang bata, pamilyar siya sa akin.
Dahan-dahan kong nilapitan ang bata. Nakasandong puti at padyama siya. Tayo-tayo pa ang kanyang mga buhok na tila ba bagong gising pa lang.
Noong nasa likod na niya ako, nakita ko may malaking lata ng Milo sa pagitang ng kanyang mga binti. Buksan niya ang lata ng Milo, inumpisang dakutin ng kutsara ang pulbong tsokolate at pinapak ito habang nanunuod ng Astroboy.
Nanginig ang buong katawan ko at naluha dahil ako pala ang bata 'yun.
BINABASA MO ANG
Paglipad ni Astroboy (Flight of Astroboy) 🏳️🌈 [boyxboy] [completed]
Siêu nhiênStatus: Completed Type: BoyxBoy A coming of age story. A boy named Xxx falls in love with another boy named Jjj. Funny, witty and touching.