- 2 -

410 15 0
                                    

Tae!

Kinilabutan ako. Feeling ko nasa Twilight Zone ako. Grabe ang takot ko. Napapikit ako at tinawag ko ang mga pangalan ng lahat nakakilala kong mga santo. Nakikiusap ako na sana ay isang masamang panaginip lang ang lahat ng ito. Laking Katoliko ako pero tatlong santo lang ang kakilala ko.

Ayos 'di ba?!

Una, si Sta. Clara 'yon nasa sa Katipunan na madalas alayan ng itlog ng mga deboto.

'Di kaya magreklamo na ang mga madre dahil pang pataas ng kolesterol at blood pressure ang itlog? Dapat ba talaga itlog? 'Di ba puwedeng ibang alay?

Pangalawa si St. Jude, ang takbuhan ng mga dalagang gustong magkaroon ng nobyo. Ewan ko lang kung meron siyang mga binatang deboto na nanalangin magkaroon ng syota.

Meron ba?

Ang huli ay si Sto. Niño.

Saglit, si Sto. Niño ay si Jesus Christ nung bata pa siya. Hala, dalawa lang pala. Talagang good luck na lang sa akin!

Sa aking pagkakapikit bilang tumahimik ang buong paligid. Sinabi ko sa sarili ko, "Yes, panaginip lang nga ito!" Kaya dahan-dahan ko iminulat ang aking mga mata.

Potah! Mali ako!

Nasa loob na ako ng OR. Nakita kong nakatakip ang mukha ko at biyak na ang ulo ko. May doktor sa uluhan ko at binubutingting ang utak ko.

Paano ko naman nasabi na ako nga talaga iyong tao sa operating table?

Eh, tinignan ko 'yun kanang hinlalaki sa paa ng pasyente at nakita kong may peklat ito. Parehong-pareho ito sa hugis ng peklat ko sa paa.

Nakuha ko itong peklat na ito noong anim na taon gulang ako. Nahulugan ng China plate at sakto sa paa ko ito nabasag. Nasagi ko ito sa hapag-kainan dahil sa kalikutan ko. Ayon nahiwa at lumabas ang laman. Kaya tinakbo ako sa Chinese General Hospital na ilang kanto lang ang layo sa bahay nila lolo. 'Di ko alam kung ilang stitches ang ginawa ng doktor kasi nang inumpisahan niyang tahiin ang sugat ko, hinimatay na ako sa takot.

Pakshet!

Sa takot, naihi ako sa pantalon.

Huwag kang tumawa diyan. Ikaw ba, pag nakita mong binubungkal ang utak mo, 'di ka kaya maihi sa salawal mo sa takot?

Kumaripas ako ng takbo papalabas ng OR pagkatapos kong maihi. Nang itutulak ko na ang bakal na pinto tumagos ang aking buong katawan.

Tengene!

Ito siguro 'yon tinatawag na OBB (out of body) experience. Ang paglalakbay ng kaluluwa ng tao sa labas ng kanya katawang lupa.

 Ang paglalakbay ng kaluluwa ng tao sa labas ng kanya katawang lupa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Paglipad ni Astroboy (Flight of Astroboy) 🏳️🌈 [boyxboy] [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon