- 23 -

124 5 0
                                        

Kinabuksan wala si Aaa sa class. Na-suspend siya ng isang linggo dahil sa nangyari. Ako naman bagaman 'di na-suspend sa pagsapak ko sa kanya, pinalawak ang community service ko sa library ng isang buwan.

Lunch time.

Kararating ko lang sa gilid ng chapel at nagulat ako nandoon si Jjj.

Actually, after ko sa library kaninang umaga, iniiwasan kong talagang kausapin si Jjj 'di dahil galit ako sa kanya. 'Di ko lang alam ang dapat ikilos ko sa harap niya after what happened sa clinic.

"Finally, there you are." Bungad ni Jjj. "You've been giving me the cold shoulder the whole morning so I decided to come here in your secret hideaway."

"How did you know..."

Kinut niya ang sinasabi ko.

"Ccc told me."

Putik!

Pinagkakaisahan yata ako ng magkapatid na ito? Kailangan ko ng maghanap na bagong taguan.

"So, are you avoiding me? Are you mad at me?"

Naputol ang pag-iisip nang magsalita muli si Jjj.

".........."

'Di ko alam ang isasagot ko.

Oo, pero not in the way na inisip mo. 'Di ko lang talaga alam how I should act infront of you. 'Yun ang gustong sabihin kay Jjj.

"When did I not try to avoid you?" Sagot ko.

"Yesterday."

"........."

"You like me now right?"

Presko mo ulol!

"Hey, Jjj stop being a dumbass." Napalingon ako kasi boses ni Ccc 'yun nagsalita. "Of course, he likes you why else he would cry like some girl while hugging yesterday?" Dagdag ni Ccc sabay kindat sa akin.

Tangna!

Cornered ako ng magkapatid na ito ah!

Naabutan kami ni Ccc sa clinic kahapon na magkayakap. Sinabihan pala siya ng nars kung ano nangyari sa kapatid niya kaya dagli siyang nagpunta sa clinic para malaman ang kalagayan ni Jjj.

"So you two lovebirds better quit acting like some dumbasses already. You both know that you like each other. Let's eat already, okay?"

Hala!

Potah!

Lovebirds agad?!

Haist!

May dalang pagkain ang magkapatid at umupo na sila sa bench para kumain. Ako naman nakatayo lang at namumula sa hiya sa mga sinabi ni Ccc.

Nilapitan ako ni Jjj at hinila ang kamay ko papunta ng bench. Noong, una'y ayaw ko pero ang kulit ni Jjj ayaw akong tigilan. Si Ccc naman ay nakatingin lang sa aming dalawa habang kumakain.

Sa kalagitnaan ng aming pagkain nagdatingan ang ibang ka-teammates sa basketball ni Ccc at doon sa gilid ng chapel tumambay hanggang matapos ang lunch.

Pakshet!

Kailangan ko talagang makahanap ng bagong lugar na pagtataguan.

Kailangan ko talagang makahanap ng bagong lugar na pagtataguan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Paglipad ni Astroboy (Flight of Astroboy) 🏳️🌈 [boyxboy] [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon